Mission Forty-Six: Signs of Defeat

342 7 0
                                    

46.

Paglabas ko ng Quarter, bitbit ko ang importanteng papeles at nagsimulang tahakin ang hallway ng makasalubong  ko si ate Trisha. "Oh... gising ka na pala. Kakatapos lang ng meeting after ng mission. Hindi ka na ginising ni Grell  kasi sabi niya pagod ka daw at tulog na tulog."

"Ganun ba? Nandun pa ba si daddy?" tanong ko naman sa kaniya. "Si tito Liam? oo... nandun pa. Kasama ng  UCAs. May pag-uusapan ata sila. Kalalabas lang namin e."

"Ganun ba? Sige... Salamat." tinapik ko lang ang braso niya at umalis na patungong conference hall. Dun lang  naman kami nagme-meeting kapag lahatan na.

Natatanaw ko namang bahagya lang nakasara ang conference hall. Dali-dali akong pumunta at akmang lalakihan  ang pagkakabukas ng maagaw ng pansin ko ang dalawang taong nakatayo tanaw mula sa pinto na seryosong nag- uusap. I was taken a back by what they are talking about.

"We should tell him na papa Liam." sabi naman ni Grell. Tumingin naman agad sa kaniya si daddy. "Akala ko ba  nakapag-usap na tayo ng maayos about this?"

Kababakasan sa kilos at facial expression ni Grell ang frustration. "Mas maganda namang malaman niya mula sa  atin hindi ba? Kaysa unti-unti niyang matuklasan. Masyado nating masasaktan ang asawa ko papa." asawa? ako?  ako ang masasaktan? 

Mas lalo kong pinatatag ang sarili kong wag munang pumasok and just eavesdrop sa pinag-uusapan nila. I can feel  that it may lead to the answers I'm seeking from the very beginning.

"Mas masasaktan ang anak ko Grell once malaman niya ang lahat."

"Hindi niyo ko naiintindihan pa..." at mas lumapit sa aking ama. "I can feel that fate is bringing us to the truth.  Nararamdaman kong may nalalaman na rin siya. Hindi natin masasabi pa. Mas maganda namang tayo ang  magpaliwanag hindi ba Pa?"

Hindi na ko nagpapigil at walang pakundangang binuksan ang pinto ng conference hall at inilang hakbang ko lang  sila. "Anong dapat ipaliwanag? Anong dapat malaman?" seryosong sabi ko.

Gulantang lahat maging ang buong UCAs na nasa loob pa pala ng conference hall.

"Sweetheart..."

"Anak..."

sabay na sambit ng dalawang lalaking pinagkatiwalaan ko ng lahat-lahat. My husband and my father.

"Sagutin niyo ko... Ano bang dapat kong malaman huh? Ano bang tinatago niyo sa akin simula't simula pa lang!"  puno ng galit na sabi ko. Naramdaman ko namang hinawakan ako ni Grell sa braso. "Sweetheart..." pero winaksi  ko lang yun and I glare at him. "Don't sweetheart... sweetheart me and just answer my DAMN Question!"

Di ko na napigilang sumigaw. Nakita kong tumayo si mom mula sa pagkaka-upo. "Anak... please... Calm down..."

"Calm down?! My Gosh! E, halos lahat ng tao sa paligid ko pakiramdam ko mas may alam pa sa BUONG buhay  ko higit pa sa akin! Pakiramdam ko pinalilibutan ako ng mga TRAYDOR tapos you would ask me to calm down?!  That's a hella statement."

Trapped in the PAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon