Mission Thirty-Eight: Jealousy Strikes

419 11 0
                                    

Trapped in the PAST…..!!! (REVENGE became OUR WORLD…..)

Mission Thirty-Eight: Jealousy Strikes

Nag-stay pa ko sandali sa MALL at kumain ng dinner sa isang fast food. Siyempre kasama ko ang mokong na to. OO! Isa pa siyang mokong ng buhay ko... hahaha... Natatawa na nga lang ako sa mga nangyayare dahil for the second time around, nagkasabay kaming kumaen ng dinner for a reason na lagi kaming nagtatakbo in an unexpected moments.

"Wala ka pang balak umalis?" tanong ko sa kaniya. "Ikaw? Wala ka pang balak umuwi sa asawa mo?" inismiran ko lang siya sa sinabi niya. ASAWA?  Mukhang hindi nga niya ako hinahanap.

'Paano mo malalaman kung naka-off ang phone mo' mabilis na pagsasapunto ng isang bahagi ng isip ko.. Aisshhh.. Bahala na. Uuwi ako kung kelan ko gusto.

"Huy... hindi ka na nakasagot sakin." at nginitian na naman ako ng nakakaloko. "Pero totoo yung sinabi ko kanina ha... Mukha kang tanga sa loob ng sinehan." binelatan ko na lang siya. paulit-ulit na niyang sinabi yan at kinukulit ako sa dahilan ng pag-iyak ko. Ayoko ngang sabihin. Baka mamaya dumagdag siya sa kampo nina XENA-mangkukulam-slash-LINTA. "Paulit-ulit? UNLI?" at natawa na naman siya.

"Anyways, I think we should go then. Gabi na at matagal ang biyahe. Hatid na kita." yan na naman siya sa pag-aalok portion niya. Like duhh! may kotse kaya ako. Bakit ba hindi matapat ang pang-aalok niya na coding ako?  para naman may rason na siyang maisakay ang beauty na ito sa passenger seat niya... huehuehue.. YES! bumabalik na ang craziness ko.. hihihi "Wag na! may kotse ako... Sabay na lang tayong pumunta ng parking." hindi na siya nakipagtalo pa at sumunod na sa akin palabas ng fast food chain.

" AISHHH! Bakit na-FLAT?! arrggghhh..." at sinipa ko yung gulong "OUCH !" dali-dali namang lumapit sakin itong kasama ko. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

"Do you think I'm OKAY?" hindi ko sinasadyang masinghalan siya. Natigilan naman ako and look at him apologetically. "Sorry...."

"It's okay. Wala kang dalang spare tire. Mahirap maayos yan. Malayo pa ang next na gasoline station. Kung gusto mo, ihahatid na lang kita tapos ipapakuha ko na lang to sa kaibigan kong magaling mag-ayos ng car at ipapadala ko sa bahay niya early tomorrow para magamit mo." napaisip naman ako sa offer niya. Kunsabagay, antok at nararamdaman ko na ang pagod. Wala naman sigurong masama na sumabay ako sa sasakyan niya at umupo sa passenger seat ng isang sasakyan na hindi ang asawa kong si Grell ang driver. WAIT! bakit nasali yun? ERASE!

Sige na nga. Pagbigyan na siyang madampian ng beautiness ko ang car niya. "Okay." ngumiti lang siya sakin at binuksan na ang passenger seat. Bye bye! may baby car.

"THANK you sa paghatid ha?" at as usual... Ngiti na naman ang tanging sagot niya sa akin. "It's okay. Expect your car tomorrow." ngumiti na lang din ako at bumaba. Inantay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok.

Napahinto ako pagbukas ko ng pinto nang masalubong ng mata ko ang mga nagbabagang mata niya. "Where have you been?" seryosong tanong yan. Dumiretso na ko ng pasok at hinubad ang shoes ko sabay lagay sa shoe rack ng sinagot ko siya. "Kanta ni Rihanna yan ahh... Di ko alam na fan ka pala niya." nakarinig ako ng paglagapak. Paglingon ko, may hawak pala siyang can ng beer na nalaglag nung tumayo siya. "You're drunk?"

"I'm not. Nagpapaantok lang ako dahil hindi ko magawang makatulog sa isipin pa lang na hindi pa UMUUWI ang ASAWA ko at mag-a-alas dose na ng gabi. and I AM NOT into jokes ,Sky. So now, answer me. Where have you been?" oyy... Walang sweetheart? at teka nga! bakit niya ba ko pinaaandaran ng pagka-possessive niya. "Nag-sine lang ako at kumaen sa labas." simpleng sagot ko.

Trapped in the PAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon