Mission Thirty-Six: The PIERRO...

364 10 0
                                    

Trapped in the PAST…..!!! (REVENGE became OUR WORLD…..)

 

Mission Thirty-Six: The PIERRO...

Wala ako sa sarili ko. Yan ang masasabi ko. Nagkaroon ng agarang Mission today dahil lumabas na daw sa lungga ang matagal ng hinahanap nina Ione at Holly na suspect. At dahil wala silang nagawang hatakin at ako lang ang nagmukmok sa Facility Room kaya eto ako ngayon, Nagsisilbing mata nilang dalawa.

"They turned left" sabi ko habang abala sa pagtingin ng mga hacked CCTVs sa mga monitor dito sa loob ng Facility Room. "Left? Sigurado ka? E, ang nakita ko sa right sila dumaan." sagot naman ni Ione. Binalikan ko ang footage at napatalpok ng noo. Right. sa kaliwa nga. "Yeah. I'm sorry. I forgot na inverted nga pala. Pasensiya na." kapag kasi Left sa CCTVs, Right sa Actual scene.

"Okay ka lang? Mukhang wala ka sa sarili mo Agent Sagittarius ahh..." sabi naman ni Holly sa kabilang line. "Nahh... medyo... ahh Basta! sige na. Focus on the mission Agent Capricorn and Agent Carinae." at natawa pa ang dalawa sa kabilang line. "Kami dapat ang magsabi sayo niyan Agent Sagittarius... hahahaha" at maya-maya lang ay nakarinig na ko ng mabilis na takbuhan.

Nakikita ko sa CCTV that they are chasing that girl wearing a bullcap and that guy na ang daming piercing sa katawan. Sila kasi ang hinihinalang nagtayo ng isang samahan ng mga kabataan sa loob ng isang catholic School which is the St. Joseph Academy na naging cause daw ng pagkawala ng ilang students at pagkamatay ng ilan. Grabe! Iba na talaga ang henerasyon.

"Kapag naabutan talaga natin tong dalawang to, Pagsusuuting ko ng BIKINI sa gitna ng field ang babaeng yan!" sigaw ni Ione. "At kapag naabutan naman natin ang lalaking yan. I will make sure na babaltakin ko lahat ng piercing niya sa katawan! Bwisit! " sabi naman ni Holly.

"Kung ako sa inyong dalawa, dalian niyo na at may isa diyang malalagot sa asawa niya." pagpaparinig ko na ikinahagikhik ni Ione. "ohemgee... Sino kaya ang may asawang Agent dito? hahahaha" at natawa na din ako. Halata namang si Holly ang tinutukoy ko di ba. Lagot yan kay Rodge, dahil as much as possible, dahil Recruit siya, ayaw ni Rodge na pasamahin siya sa mga On-Act missions. E kaso, eto na... Makukulit ang bungo naming girls pagdating sa missions. And si Ione, kakakasal lang niya last year. Sa isang batchmate ko, remember Jason? yung kasama ko sa band nung Concert for a cause? siya ang napangasawa ni Ione. Kaso hindi niya hilig ang gawain ng Agents. pero kahit alam niya, pumirma siya sa kasunduan with the UCA's for the confidentiality of DNO.

At nang makita ko sa CCTV na nahuli na nila ang dapat mahuli at masakay sa sasakyan. Pinatay ko na ang monitors at PC na ginamit ko. I want to go out. Alam na naman nila ang gagawin. Pumunta ako sa QUARTER NAMIN. take note, NAMIN. ginawang isang kwarto na lang kami which is yung QUARTER ko at binigay sa mga chikiting ang kwarto ni Grell for times na nandito ang mga bata. Nagpalit lang ako at lumabas ng DNO. I want to go somewhere. Maybe to think clearly also. so I decided to got to The Pierro.

Trapped in the PAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon