Trapped in the PAST…..!!! (REVENGE became OUR WORLD…..)
Mission Thirty-Three: Try to tell...
Isang linggo lang kami sa Zambales at kahapon nga'y umuwi na kami ng manila. Nalaman ko na pati sariling bahay ay meron na kami. Bumili siya ng isang house and lot sa Akari Executive Homes na malapit lang sa firm. Kaya ngayon, pumasok na ko dahil aasikasuhin ko pa ang mga natitirang trabaho sa paggawa ng project with Mr. Choi. Ibinigay ko yung work kina Ate Ney at kuya Harris dahil sila lang ang available na pumalit sa amin ni Grell sa construction ng factory. Gagawin naman kasi namin yung house para sa unica iha niya.
TING!~
at bumukas na ang elevator.. I headed at my office pero napahinto ako nang mapansing wala si Ynah sa table niya.
Nakita ko naman si karl na papunta sa kitchen ng floor na ito "Karl, Is Ynah not around?" napahinto naman sya and face my direction "Ma'am Charlize, maaga po siyang dumating. Pumunta po ng restroom nung may tumawag sa personal phone niya kanina."
"Ganun ba? Sige salamat." at paalis na ko nang umimik ulit siya "Ma'am..."
at lumingon naman ako sa kaniya "Congrats po pala sa inyo ni Sir Grell. Best wishes po!"
at tumalikod na siya papunta ng kitchen. Napailing na lang ako. Wala pa rin kasi kaming matinong pag-uusap. Everytime he'll ask me some questions, I would just answer him in monosyllables and patango-tango at times. Feeling ko kasi kapag kasama ko siya patuloy na nabubuksan ang issues noon na gusto ko nang tapalan at ibaon. I know, kasalanan ko rin. Nadadala ako sa emosyon that's why we always end up with a misunderstanding. Kaya nga iiwas na lang ako para walang conflict.
I started checking some files para sa meeting later ng may nakita akong kulang.. Kaya I decided na puntahan ang table ni Ynah sa labas ng office ko. Pero walang tao. Nagtaka naman ako. Sobrang tagal ata.
Tiningnan ko na lang ang ilang files na patung-patong sa table nya baka sakaling nandun ang hinahanap ko. At nung makita ko na, aalis na sana ako nang mahagip ng aking paningin ang drawer na bukas.
May picture na nakausli. Kinuha ko yun to see. Dalawang bata na magkamukha. Twins I guess. Magkaiba lang sila ng hair. At sa tingin ko ay si Ynah ang batang nakayakap sa isa dahil straight hair. At nung titigan ko yung kasama niya... Parang familiar sa akin yung bata..
"M-ma'am..." naalis naman ang tingin ko sa picture nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ynah "Hey! Pasensya na.. Nakita ko lang to sa drawer na nakausli.. May twin sister ka pala?"
Sa di ko malamang dahilan, kababakasan ng nervousness ang kilos niya "ahh... Ano... Yeah! My twin sister" at inagaw na niya sakin ang picture.
"hmm.. Sige, kinuha ko lang to. Just call me kapag magstart na ang meeting ha?"
BINABASA MO ANG
Trapped in the PAST (COMPLETED)
AksiyonA story you must read.... It doesn't focus on young LOVE but It can show you how FATE and WORLD plays on our destiny.. As the Characters Find out what they really FEEL.. and the TRUTH behind EVERYTHING.... Will they SURVIVE?? or Let the WILL Trapped...