Mission Thirty-Five: Case Unclosed (ZEB)

398 9 0
                                    

Trapped in the PAST…..!!! (REVENGE became OUR WORLD…..)

 

Mission Thirty-Five: Case Unclosed (ZEB)

Kumakain ako ng LAYS habang papunta sa infield Facility ng HQ. Dahil ban ako sa Physical Mission Department  ay walang kamatayang training at pagiging EYES lang sa mga mission ang gawain ko. Alam naman, Nakakatamad  na din ang pumasok sa firm na wala naman akong ibang gagawin dahil yung mga projects na dumadating ay  nagagawa naman agad. Pati yung project for Jarred na pinipilit agawin ni Grell sakin at ibigay sa ibang Architect,  Napaka talaga nun!

"Oyy... Share naman diyan.." at walang sabi-sabing inagaw sakin ang LAYS ko... waaahahahah....

"Kuya KEITH! akin na yan! di ka marunong magpaalam ng maayos!" sabi ko sabay hablot ng lays. "Si Princess  naman... Ang damot! pahinge lang naman kahit patak! DAMOT!" at biglang may nambatok sa kaniya ng  newspaper.. ahahha.. si Ate Scarlett. "Wag ka ngang ganyan loves... Baka isipin ni Charlie poor tayo... hayaan mo  padadalhan kita ng isang Truck ng LAYS sa Quarter... mag-share ka lang...Tirhan mo kami ni Zarinah..." si  Zarinah ang anak nila...hahhaha.. ang kulet...

"Oh? Anong meron? Meeting?" tanong naman ni Ate Allei kasama niya si Kuya Kiel. "Hi kuya Kiel!" bati ko  naman.

"Walang meeting... May nababaliw lang.. Halina kayo... Training room... ikaw Charlie..." tanong naman sakin ni  ate Scarlett. "Hindi na Ate... Katatapos ko lang... Puntahan ko muna si daddy. Bye!" at tinalikuran ko na sila at  sumakay ng walkalator. BONGGA NO! hahaha... ganito ang gusto kong ipalagay sa Knights University, Kaso lugi  nga lang kaya dito na lang sa HQ. Hindi halatang may katamaran part din sa system naming mga agents. Without  feeling so much pagod nakatawid agad ako sa kabilang building where the offices of the Upper Class are.  nakasalubong ko pa si tita Jenny.

"San ka pupunta?" tanong naman niya. "Pupuntahan ko lang si dad tita jenny. May itatanong lang." at tinanguan  lang ako.

Pagdating ko sa tapat ng office ni dad as expected my ELLA rin doon...

 

 

*Agent Sagittarius confirmation code  please...*

 

 

 at dinial ko na sa touchpad ang code ko. Iba ang Confirmation code sa building na to sa aking MCA  passcode. kaya kung magiging agent ka, kailangang magaling ka sa Memorization.

 

 

 *CONFIRMED! Enjoy your  visit with Agent Perseus.*

Trapped in the PAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon