Hello guys!
Hi! Um, since umabot na dito sa wp yung nangyayari sa ADN I just thought na dito ko na lang i-share yung opinyon ko sa mga nangyayari. I hope na meron po akong matulungan kahit papaano. Opinion and personal thoughts ko lang po ito, iba-iba po tayo ... kung ano po yung nasa isip at puso niyo, valid po yun. WALA pong mali dun. Okay?
Hindi man po ako madalas sumali sa mga fan activities ng ADN sa Twitter eh lurker naman po ako, lagi din po akong nagbabasa at lagi din po akong nanonood. Yung una ko pong gustong sabihin eh kung ano man po yung nararamdaman niyo ngayon, eh okay lang po yun. Kung malungkot po kayo, ibaling niyo po yung atensyon niyo sa ibang bagay na pwedeng makapag-pasaya sa inyo ... lipat muna po kayo ng fandom o kaya magpahinga muna po kayo sa SOCMED, trust me ... malaki po yung maitutulong nun. Kung galit po kayo eh ayos lang din po yun, humanap po kayo nang bagay na makakapag-remind sa inyo kung bakit kayo naging fan in the first place. O kaya, ganun din po ... mag lie low muna kayo sa SOCMED accounts niyo, pakalmahin at pasayahin niyo muna po yung sarili niyo bago kayo bumalik. At kung katulad ko po kayo na naiintidihan si Maine at nag-alala eh kapit lang, fam. Lilipas din yan, two years na tayo dito ... ngayon ka pa ba bibitaw? Hindi po masama na unahin niyo yung welfare niyo. Kumapit kayo sa mga good memories, sa mga friendships na nabuo ... isipin niyo na lang po na short break lang ito. Na binibigyan lang po kayo ng time na asikasuhin yung mga ibang bagay na napabayaan o nakalimutan niyo na. Para sa akin, mas-mabuti kung mahanap natin kung sino tayo bago dumating yung ALDUB. Kasi pag nagawa natin yun , kahit mag-solo na sila, eh solid pa rin tayo ... hindi natin tatanungin kung sino tayo oh kung anong gagawin natin pagkatapos. Tuloy lang ang buhay ... kapit at laban lang. Wala pong masama sa mga nararamdaman niyo ngayon, siguraduhin niyo lang po na hindi kayo sisirain nito. *Virtual hugs you* My inbox is ALWAYS open ... kung sino man po yung gustong makipag-usap, willing po akong makinig at maging friend niyo. Maybe it's time for me to get to know you guys better. Let's be friends.
As for Maine, naiintindihan at nakaka-relate ako sa kaniya. As a young adult who grew up in a very strict family, lagi akong nasasabihan kung ano yung dapat na asta ko. Madaming bawal, madaming limitations kahit na pa lalaki ako at kaya ko yung sarili ko. Nakakasakal at times I admit, pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na mahal lang nila ako kaya sila ganoon. Naiintidihan ko si Maine kasi nakakapagod mag-please nang iba ... nakakapagod din mag-pasaya lalo na kung madami na yung demands. Pagod siya ... hindi siya galit.
I'm also worried kasi as someone who's been suffering from depression and severe mood swings for a couple of years now, I know it when someone is showing warning signs or not. Hindi ako doctor kaya I wish mali ako. Pero not seeing the bright side of things ... self-deprecation ... self- blaming ... signs yun na merong hindi magandang nangyayari. And since may history si Maine dun, it makes me even more worried na baka she's starting to slip back to that dark place. At kapag nangyari yun, mas mahihirapan tayong ibalik yung ngiti sa mukha niya. Kaya let's refrain from throwing hate messages at her ... let's stop blaming her. Instead, let's remind her why we love her ... let's spread positivity. Maine saved a lot of lives, maybe it's our turn to save hers.
If you're reading this and you're feeling sad then you should know that I'm always here and I will always listen. Ask for help kapag hindi niyo na kaya. I'm here ... we're all here ... at malalagpasan natin 'to. Let's be strong not just for A and M but also for ourselves na din. We're a family, right? Kapit lang.
p.s. I meant it when I said we should be friends. Let's be friends! Shoot me a message okay?
