"Nay, bakit mo kilala yung tatay ni RJ?" Maine questioned her mother as soon as RJ's Dad left the room.
"Oo nga, bakit mo siya kilala?" her father asked as well.
"Gusto niyo ba talaga malaman?" Mrs. Mendoza asked them.
"Siyempre naman, Nay. Itatanong ba namin kung di naming gusto malaman?"
"Pilosopo Meng, ah? Pero may point. Okay, niligawan sa akin nung lalaking yon dati." Maine's mouth fell open as soon as she heard her mother's answer.
"ANO???" Mr. Mendoza asked right away.
"Kumalma ka nga, di ko naman siya sinagot eh."
"Kelan nangyari 'to?" Maine questioned her.
"Mga seven to eight years ago."
"Eh kasal na tayo nun ah!" her father reacted.
"Mahigit dalawang dekada na tayong kasal, ano ba? Kumalma ka nga. Obvious naman na hindi ko siya sinagot di ba?"
"In fairness, Nay. May asim pa. Pero teka ... kung seven to eight years ago lang yun edi may asawa na siya. So gusto niya kayong gawing kabit?" Maine asked before she let her mouth fall open.
"Sinabi kong hindi pwede kasi may pamilya na ako, wala siyang sinabi na may pamilya na siya. Sabi nila binata pa daw yun. Baka nga hindi lang ako yung nililigawan nun eh."
"Teka, nagta-trabaho ka pa sa opisina non ah?" Her father commented.
"Oo, sabi nila kaibigan daw yun nung boss namin. Ang nakaka-bwisit pa sa kaniya eh ibang pangalan yung ginamit niya non." Mrs. Mendoza replied and Maine's eyes widened.
"Aba, loko pala yung lalaking yun ah? Susunod na pumunta yun dito, kamao ko na yung matitikman niya."
"Tay, kalma lang, ikaw pa rin yung asawa." Maine reminded him.
"Oo nga pala."
"Ilang araw din niya din akong kinulit, ibang pangalan pa nga ginamit niya non eh."
"HOMAYGAHD."
"Yung pangalan daw niya eh Romeo Reyes. Buti na lang narinig ko dun sa isa kong co-worker na Richard yung totoo niyang pangalan. Kaya nung sunod na nakita ko siya, pinagbantaan ko na siya na pulis na yung susunod niyang haharapin kapag kinulit pa rin niya ako."
"So, tumigil na siya?" Maine asked.
"Oo, susunod na narinig ko bumalik na siya sa amerika. Siyempre hindi ko ipagpapalit yung tatay mo, Meng." Maine's mother assured her.
"Buti naman, susmaryosep. Loko pala talaga yun ah."
"Pero tanggap ko naman na maganda ako." Her mother added and Maine coughed.
"Anak, okay ka lang?" Mr. Mendoza asked.
"Opo Tay, nasamid lang. Alam ko na kung kanino ko nakuha yung kanfidens ko. Eh nay, bakit po siya pumunta dito?"
"Nagpapa-good shot siguro. Nag-offer na sasagutin na yung bills sabi ko naman di na kailangan."
"Yun lang po?"
"... Oo."
"Eh buti nakilala niyo pa siya?"
"Walang ibang lalaking gumawa sa akin nun. Talagang matatandaan ko siya. Alam mo, Meng, ngayon ko lang na-realize na Richard Faulkerson nga pala yung pangalan niya. Kaya nung un among sinabi yung pangalan ni RJ eh parang pamilyar." Mrs. Mendoza told her.