27: Game

487 18 1
                                    


27: Game 

MIKEE'S POV


Onti onti kong iminulat ang mga mata ko, iginala ko ang paningin ko at hindi ko alam kung nasaan ako. Madilim, madilim ang paligid ko. "Boss! Gising na siya!" saad nung isang lalakeng may dalang baseball bat at nakatingin sa akin, hindi lang siya nag iisa, marami silang nakatingin sa akin, biglang humawi ang mga lalaking nasa harapan ko at nakita ko ang lalaking palapit sa akin.


"Gago ka talaga." Bulong ko at ngumisi siya.


"Long time no see?" saad ni Shax at tumawa sa harap ko, ngumisi lang ako at inunat ang leeg ko. Now I can clearly see their faces.


Napakamot ito sa ulo niya at tumingin sa akin "Alam mo pinahirapan mo ko. Hinanap kita ng dalawang buwan, hindi ko alam kung nasaan ka. Sabik na sabik na kong patayin ka." Dinilaan ko lang ang labi ko bago ako mag salita dahil nanunuyot na ito.


"Then, you saw me. We can now kill each other." Ngumiti ako sakanya ng nakakaloko, hindi ko alam kung sapat ba ang pag tuturo sakin ni Kuya pero ang sabi ni Dos ay parang ako na si Kuya ngunit nalampasan ko pa.


Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko, iniiwas ko ito kaya hinawakan niya ang pisngi ko. "You think you can kill me?" ngumiti ako.


"Ako dapat nag tatanong niyan eh. How can you kill someone who's already dead inside?"


Tumayo siya at kinasa niya ang baril niya at itinutok sa akin. "Shoot me, while you can. Ganyan ka ba lumaban sa laro mo? Parang hindi naman ata patas ginagawa mo? Hah! Ang dami niyo isa lang ako?" saad ko sakanya at umiling iling na lang ako habang natatawa.


"Annoy me once more." Saad niya at sinenyasan niya yung mga alagad niya binitawan naman nila yung baseball bat at sinimulan akong bugbugin sa inuupuan ko.


Badtrip, bakit hindi ako gumagalaw, naliligo na ako sa sarili kong dugo, pero nakatawa parin ako. Sinubukan kong tumayo para makawala sa pagkakatali at hinampas ko sakanila yung upuan na pinagupuan ko kanina,


Hindi ko ugali makipag basag ulo dahil babae ako, pero gagamitin ko mga natutunan ko kay Kuya Stephen at Dos.


Lahat sila nakalatay na sa sahig, pakiramdam ko anytime ay tutumba nanaman ako kaya pinilit kong ikundisyon ang sarili ko. Kinuha ko ang isang baril sa mga lalake dito at hinanap ko ang daan palabas sa lugar na ito.


"Mikee!" napatingin ako sa tumawag sa akin at si Shax ito at nakangiti. Ngumiti din ako atsaka ko siya tinutukan ng baril.


"Alam mo masakit yung mga ginawa sakin ng alagad mo eh, gago ba yang mga yan?" tanong ko sakanya at natawa naman siya.


"Gago sila dahil gago ang pinuno nila, they are my children." Ngumisi ako at kinasa ko ang baril at ganon din ang ginawa ni Shax.

[BTS] married to jeon jungkook: She's Mine // jjk ff.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon