3: Threat

1.2K 34 0
                                    


3: Threat



JUNGKOOK'S POV


Halos di na ako makapasok sa lahat ng subject ko at multi-tasking ako dito sa opisina ng J.U puro notifications galing sa prof ko ang nasa phone ko, mga modules kasi yon ng mga pinag aralan ngayon. Sa sobrang busy ko din hindi ko na nakakausap si Mikee, hindi ko nga rin alam kung pumasok ngayon yon.


GOOD IDEA! Why don't I surprise the other buildings na mag rounds ako? Tama. Isinara ko ang folder na binabasa ko at kinuha ko ang phone ko lumabas ako ng opisina habang ang dalawang kamay ko ay nasa pocket ko, lahat ng madaanan ko nag b-bow sa akin. "Good morning CEO Jeon Jungkook" saad sakin ng mga employees at nag bow din ako at ngumiti.



Hindi ako tipid ngumiti pero tipid akong mag salita. Inuna ko ang College of Arts and Music lahat naman may mga profs. "Hep hep." Saad ko sa dalawang lalake na lumabas. Dahan dahan silang tumingin sa akin.


"Saan kayo pupunta? Diba sa building kayo ng College of Sciences? Bakit andito kayo? Ang layo ng nararating niyo ah." Saad ko habang papalapit ako sakanila.


"V-vacant naman naming, Jungkook eh." Saad nung isang lalake at kinamot ko ang sentido ko habang papalapit sakanila.


"Alam niyo naman siguro ang consequences ng mga ginagawa niyo diba? Ayaw niyo naman siguro mapahiya." Saad ko sakanilang dalawa. Nag bow silang dalawa at tumingin ako sa likod ko.


"Kayo nanaman!?" tanong ni Jin hyung sakanila.


"Hyung ikaw na bahala sakanila nag r-rounds ako eh." Saad ko at hinawakan siya sa balikat niya nag lakad na ako paalis sa building na yon at lumabas ako para pumunta sa building ng College of Sciences.


"Hi Mikee!" saad nung mga lalake kay Mikee nung pag daan ni Mikee at ngumiti naman siya. I stopped at tinitigan ko ang mga lalakeng kinilig kay Mikee, I don't know pero bigla uminit dugo ko. Nag patuloy ako sa pag lalakad at tumigil ako sa harap nung mga lalake.


"Bakit nasa labas kayo?" saad ko at naka tungo lang sila sa akin. "Wala ba kayong, Prof?" saad ko, bigla bumukas ang pinto sa tapat namin at lumabas ang prof nila, nag complain sakin na ang ingay nila sa klase, I told him na gawin ang dapat gawin. Yun ang ilagay sila sa detention room. Umalis ako at sinundan si Mikee. Ewan ko ba kung saan siya pupunta.


Pinanuod ko lang siya bumaba ng stairs at mag lakad sa quadrangle "Aba, rumekta ng canteen ang babae." Saad ko sa sarili ko at bumaba na din ako, Hindi ako used sa pag rounds sa canteen pero dahil sakanya magagawa ko. Pumasok ako sa canteen at lahat sila nag bow sakin. Napatingin naman si Mikee sa gawi ko, kumuha ako ng Ice cream sa freezer at binuksan ito at kumain.


"Bakit?" tanong ko sakanya habang kumakain ng cookies and cream na Ice cream.


[BTS] married to jeon jungkook: She's Mine // jjk ff.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon