20: Secrets

617 18 1
                                    


20: Secrets


TAEHYUNG'S POV


Pumasok kami sa second floor ng restaurant kung saan restricted ang area dahil para sa amin lang iyon. Isa isang dumating ang mga shareholders ng kumpanya nila Mikee at ipinapakilala niya ako rito, kung hindi niyo lang din naman naitatanong, investor din ang family namin dito sa business nila Mikee.


Hindi ko inaasahan na ang mga susunod na makikita ko ay ang hindi ko inaasahan na andito, "Shax?" napatingin din si Mikee. Bumali ang leeg ni Shax nang marinig niyang tinawag ko siya at ngumiti, lumapit ito sa amin at inayos ang tux niya.


"Nice to meet you here." Saad ni Shax sa amin.


"Ikaw?" tanong ni Mikee na parang naguguluhan ito sa nangyayari at nakikita ngayon, maski ako ay naguguluhan din.


"Yes, ako ang newest and biggest investor niyo sa company niyo, whether you like it or not." Ngumisi naman ako sa sinabi niya, ibang klase talaga 'tong taong 'to. Hindi ko alam kung nananadya ba oh ano. "Mrs. Jeon, please take me to your office later. Can you?" tanong ni Shax sakanya.


"Well, I cannot tell if I can because we will be having a party later in the evening. Magiging busy kami ni Taehyung." Ngumiti ako sakanya at sinamahan ko na si Mikee sa upuan, pinaupo ko siya atsaka ako umupo.


Nag start na ang meeting at nakakaramdam ako ng kaunting bagot, hindi kasi ako mahilig sa ganitong meeting, kung sa may meeting nga sa Student Council hindi ako active at nagagalit pa sa akin si Jungkook, dito pa kaya? Pero what keeps me active here is that I have my best friend and at the same time our rival.


Tinignan ko si Shax na busy sa pakikinig sa presentation sa harap, hindi ko alam ang iniisip mo Shax pero damn it. I'll protect Mikee from you. Hindi mo siya pwede idamay sa larong matagal mo nang hinahangad kay Jungkook.


And if Jungkook fails to protect Mikaela, I'll assure everyone that I'll protect her no matter what, kahit buhay ko pa ang maging kapalit.


"Mr. Kim Taehyung do you have any suggestions about the presentation earlier?" tanong ni Mr. Oh na nakatingin sa akin ngayon, I mean lahat sila. I took a sip from my cold coffee.


"I don't have any suggestions, maybe the new investor has?" tumingin ako kay Shax na nakatingin sakin ng matalim, nginisian ko lang siya sa lagay na iyon "Do you have Mr. Shax Lee?" tanong ko sakanya.


"The presentation was good, I don't have any suggestions about it. Can we sue a deal know and sign?" tanong ni Shax, bakit parang atat na atat ka yata?


Inilabas ng secretary ni Mikee ang mga folder na pipirmahan naming lahat, I signed all the documents that we had at natapos ang meeting, nag kamayan kaming lahat lumapit ako kay Shax at tumingin siya sa akin, "What do you want Shax?" mariin kong itinanong sakanya at natawa lang siya sa akin pero seryoso padin akong nakatingin sakanya.

[BTS] married to jeon jungkook: She's Mine // jjk ff.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon