32: Plan
MIKEE'S POV
Hapon na ng makarating ako sa Korea, hinatid ako ni Jimin sa NAIA at hindi na sumama ang iba dahil masyadong malayo, sumalubong sa akin si Kuya Uno, andito na din ako sa mansion niya actually, medyo namiss ko ang lamig ng Korea. Sa ngayon pupunta kami ni Dos sa Hide out ni kuya na kung saan andon ang ibang Dead Arrow.
Nakarating kami sa isang liblib na lugar, isang malaking villa ang bumungad samin at pinapasok ang sasakyan ni Dos doon, lumabas kaming dalawa at sinalubong kami ng isang lalake at babae, "Welcome back, Dos." Saad nung lalake sakanya at nakipag kamay.
"Nobya mo ba ito?" tanong nung babae sakanya at nakatingin sa akin. Natawa lang si Dos sa tanong noong babae.
"Mikee, si Zane at Zoey, magkapatid silang dalawa." Tumango tango lang ako at parang masama ang tingin sa akin nung babae. Nag lakad na kaming dalawa ni Dos at siniko ko siya.
"Ang sama ng tingin sakin nung Zoey." Natawa siya at inakbayan ako.
"Alam niya kasing hinahanap mo si Uno, patay na patay siya dun eh." Tumaas ang kilay ko at tinignan ko naman si Zoey na masama parin ang tingin sakin at sinamaan ko rin siya ng tingin.
Pumasok kami sa loob at medyo marami sila, nakangiti sila sa amin ni Dos at binati nila si Dos, nag tanong si Dos kung nasan si Kuya Stephen at sinabing nasa likod daw ng bahay.
Pumunta naman kaming dalawa sa likod at nakita ko si Kuya Stephen na may kausap na iba, agad naman akong tumakbo at niyakap siya sa likod, "Mikee?" tumingin siya sa akin at humarap pero bago niya pa ako mayakap ay biglang may malamig akong naramdaman.
"Who are you to hug, Uno!?" Fuckshit.
"What the fuck, Zoey!?" saad ni Kuya Stephen at kumuha agad ng paper towel para punasan ang damit ko.
"Wag mo nga siyang pinupunasan, Uno! Hindi mo nga kilala yang babaeng yan eh!" ako talaga sinasagad nitong babaeng to eh. Pero dahil mahal na mahal ako ng kapatid ko ay hindi niya ito pinakinggan, hinigit niya ang kamay ni Kuya Stephen at mukhang nairita na si kuya. Uh-oh.
"Ano ba!?" She's causing too much attention here.
"ANONG ANO BA, ZOEY!? YOU'RE ACTING AS IF YOU WERE MY GIRLFRIEND! DAMN! LOOK WHAT YOU DID TO MY PRINCESS!"
"W-what!? Your princess!? Sa pag kaka-alam ko, Uno, wala kang girlfriend." I cleared my throat at nag step-in na ako.
"Oo nga, wala nga." Saad ko sakanya, "And excuse me, Ms. Zoey. Kapatid lang naman ako ng pinakamataas na ranggo sa inyo." Nang laki ang mga mata ng ibang tao at parang binuhusan ng malamig na tubig si Zoey.
BINABASA MO ANG
[BTS] married to jeon jungkook: She's Mine // jjk ff.
Fiksi Penggemar"She's mine, not yours, not your girlfriend either your girl. Her body is mine. Her attention is only mine, not just because I'm fucking selfish. Because she's all mine." 170625 ; 8:24PM - created and published in wattpad.