19: Tokyo [ pt. 2 ]

618 19 0
                                    


19: Tokyo


TAEHYUNG'S POV


Ilang araw na ang lumipas nang makarating kami ni Mikee sa Tokyo. This wasn't the first time na pumunta kami ng Tokyo actually 3rd time na to dahil since then ako ang sinasama niya pag may Business meeting siyang kailangan attendan.


Kung hindi niyo natatanong parehas na Business man ang mommy at daddy ni Mikee, at may Business sila dito sa Tokyo about sa mga fruits and vegetables. Hindi lang dito kundi sa iba't ibang bansa din like Moscow, Belgium, Philippines, US at France.


"TAEHYUNG!" napatingin naman ako sa sumigaw mula sa kusina. Andito kasi kami sa bahay ni Mikee, oo may sarili siyang bahay bakasyunan dito.


"Ano?!" sigaw ko naman mula sa sala.


"Kanina pa kita tinatawag! Halika dito!" saad niya at tumayo naman ako para puntahan siya sa kusina, nag luluto siya ng gabihan naming dalawa.


"Tikman mo nga! Masarap ba?" tinignan ko yung niluluto niya, doenjang jjigae yung niluluto niya at bibimbap.


"Masarap yan natikman ko na yung jjigae mo eh" saad ko sakanya.


"Bilis na kasi!" saad nito, kinuha ko naman yung sandok at tinikman.


"Masarap nga! Bilisan mo para maka-gala tayo!" saad ko sakanya kasi mag hapon kaming nasa kumpanya nila.


Natapos niya lutuin at iprepare lahat at naupo na kami para kumain. "Mikee, may balita ka na ba kay Jungkook?"


"I texted him pero hindi siya nag rereply, siguro busy siya ngayon. Bakit?" umiling lang ako dahil nag aalala na rin ako kay Jungkook, alam kong isa ako sa mga sinususpetsahan niya sa pagkamatay ng Lolo niya, fresh parin kasi sakanya yung nangyari lalo na't hindi nabigyang hustisya yung lolo niya.


Natapos kami kumain at nag boluntaryo na akong mag hugas ng pinag kainan namin para makaligo at makapag ayos na si Mikee. Pag katapos ko naman mag hugas ay naligo naman din ako sa banyo ko sa loob ng kwarto.


Nag ayos na rin ako at sabay lang kami natapos ni Mikee, ang ganda niya sa simpleng dress na suot niya at sa ayos niya. Hindi na ko mag tataka kung bakit nagustuhan ko si Mikee. Pero malabong magustuhan niya ko, dahil na rin may asawa siya.


"Huy! Natulala ka dyan? Tara na?" tanong niya sa akin at ngumiti lang ako. Lumabas kami ng bahay niya atsaka kami nag lakad palabas ng village nila, parang semi korea lang din dito ang kaibahan lang hindi ito yung lugar na kinalakihan ko.


Nag punta kami sa iba't ibang store dito sa Tokyo namili kami ng damit at sapatos, pati na rin mga accessories. Minsan lang kami mag bonding ni Mikee hindi na katulad ng dati.


Napunta kami sa mga street foods at kumain kami ng Dorayaki, isa siyang doraemon na sponge cake na may sweet red bean paste, kumain din kami ng Mitarashi Dango na gawa sa rice flour na bunodburan ng matamis na gooey soy sauce. "Ang sasarap ng pagkain dito, V." saad ni Mikee habang nag lalakad lakad kami.

[BTS] married to jeon jungkook: She's Mine // jjk ff.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon