33: Finding Happiness
JIMIN'S POV
Dalawang linggo makalipas nang umalis si Mikee, maraming nag bago, lumipat rin kami ng bahay dito sa Makati City kung tawagin nila dito. Maraming nag bago tulad ni Jungkook, tahimik lang siya, minsan lang makausap, laging tulog, nang mawala si Mikee.
Pero ngayon ay iba, may kapit-bahay kami dito na Korean din ang nationality. Ugali ni RM na ilakad si Jungkook tuwing umaga para maarawan, diba? Parang bata lang. Pero simula noon, laging nakangiti si Jungkook tuwing naririnig niyang tinatawag siya nung babaeng kapit bahay namin na Korean din. Ewan ko pero kinakabahan ako para kay Jungkook.
"Good morning! Andyan ba si Jungkook?" napatingin ako sa babaeng kumausap sa akin sa tapat ng bahay, nakangiti lang ito habang hinihintay ang sagot ko.
"Sino ka ba?" tanong ko sakanya at nag abot siya ng kamay.
"Ako nga pala si Louise." Tinignan ko lang ang kamay niya at onti onti niyang ibinalik ang kamay niya.
"Ano mo si Jungkook?" tanong ko sakanya,
"Kaibigan ko si Jungkook!" masayang pag sasaad niya sa akin, bigla naman tumingin si Louise sa gilid ko at napatingin na rin ako, andoon si Jungkook na kasama si Jin hyung.
"Hi Louise!" saad ni Jungkook at ngumiti ito niyakap siya ni Louise na ikinagulat namin ni Jin hyung pero hindi siya niyakap ni Jungkook.
"Kamusta ka na Jungkook?" iniwan na namin sila doon at pumasok kami sa loob ng bahay pero nakasilip padin kami sakanila.
"Mukhang nagkakamabutihan silang dalawa, sa tingin mo ba maganda to?" tanong ni hyung sa akin at umiling ako habang nakatingin sakanila.
"Kung ako si Mikee, hindi ako matutuwa." Nag buntong hininga na lang si Jin hyung. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nangyayari ngayon dahil natututo na si Jungkook makipag kaibigan sa iba o hindi eh.
Pero nakikita ko namang masaya si Jungkook pero ang ikinakatakot ko lang baka kasi mamaya, malimutan na ni Jungkook si Mikee.
9AM
Nakita namin si Jungkook na pumasok ng bahay inalalayan siya ni Taehyung nang ihatid siya ni Louise. Hindi maalis ang ngiti ni Jungkook sa mga labi niya, sinenyasan ko si Taehyung na ako na lang mag papasok kay Jungkook sa kwarto niya at inalalayan ko naman siya.
"Ang ganda ng ngiti mo, Kookie." Saad ko at natawa naman siya nang umupo siya sa sofa niya sa loob ng kwarto. "Ano ginawa niyo?"
"Wala, nag kwentuhan lang kaming dalawa at nag lakad lakad, masaya kasama si Louise! Para siyang si Mikee!" natigilan ako sa sinabi niya nang sabihin niyang katulad ni Louise si Mikee.
BINABASA MO ANG
[BTS] married to jeon jungkook: She's Mine // jjk ff.
Fiksi Penggemar"She's mine, not yours, not your girlfriend either your girl. Her body is mine. Her attention is only mine, not just because I'm fucking selfish. Because she's all mine." 170625 ; 8:24PM - created and published in wattpad.