8: Chances

992 28 0
                                    


8: Chances


MIKEE'S POV


"Yah, Saturday" saad ko at inunat ang mga kamay ko, oo nasa bahay parin ako ni taehyung. Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig pero walang katao-tao, asan sila tita? Sumalubong sakin ang katulong nila Taehyung.


"Ma'am gising na ho pala kayo, wala po ang mga magulang ni Sir Taehyung eh." Saad nito habang nag aayos ng mga pagkain sa lamesa.


"Si Taehyung ho, asan?"


"Ay tulog pa yun ng ganitong oras, Ma'am." Tumango tango naman ako, 9AM na pero hindi parin siya gising. Kumain na lang muna ko dahil balak ko kitain si Jin ngayon. Ano kaya trip non? Tinext niya ko alas-dos pasado na ng madaling araw.


Pagkatapos ko kumain ay naligo at nag bihis na ako. "Ate, pakisabi na lang kay Taehyung umalis lang muna ko may kikitain ako." Umalis ako ng bahay nila taehyung at naglakad palabas ng village, pumara ako ng taxi at nag papunta sa ELIOT Café


Pagkarating ko sa ELIOT Café ay andoon na si Jin, ano meron? Bakit siya naka formal attire ngayon? "Hi Mikee!" saad niya sa akin at pinag buhat ako ng upuan para maupo umupo rin siya sa harap ko.


"Anong meron bakit mo ako pinapunta dito?" saad ko sakanya at ngumiti naman siya sa akin. Ano kaya binabalak ni Pink man.


"May party kasi mamaya sa Marion Hotel, kasama si Jungkook doon, so inananyayahan kita na dumalo roon."


"Ano naman gagawin ko dun? Wala ako mai-aambag dun." Natawa naman siya sa sinabi ko.


"He won't attend unless kasama ka." Napataas ang kilay ko.


"So? Edi wag siya umattend."


"He needs to. Both of you needs to." Saad niya sa akin.


"Bakit ba? Ano bang meron doon? Bakit parang napaka-importante naman ata niyan?" tanong ko sakanya, uminom siya ng kape bago mag salita.


"It's because it's a friendship celebration with the Calix University." Saad niya sa akin. Calix University? Pamilyar siya sa akin pero hindi ko alam kung saan ko ito narinig.


"But please beware that most of the attendees are men. Wag kang lalayo kay Jungkook" lumapit siya ng bahagya at sumignal na may ibubulong "We don't trust them too much." Saad niya, bakit kaya? Kung hindi nila pinagkakatiwalaan ang Calix Univ, bakit may pa-friendship friendship celebration pa sila?


"It's been 10 years na ang friendship ng Calix University at Jeon University, kapag nagkaroon ng alitan to, malalagot na." napa-tilt ako ng ulo sa sinabi niya, what does he mean malalagot na?

[BTS] married to jeon jungkook: She's Mine // jjk ff.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon