40: Hourglass
JUNGKOOK'S POV
May kumatok sa opisina ko at saglit akong tumigil sa mga ginagawa ko. Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Suga hyung na pumasok. "Hyung."
"Busy ka? Nag dala ko ng chips." Saad niya at inilapag yung chips sa table ko.
"Salamat, hindi naman gaano. Bakit?" agad ko na ibinalik ang focus ko sa mga ginagawa ko at umupo siya sa harap ko habang naka dekwatro.
"Si mikee nasa kabilang university nga pala." Tumingin ako kay Hyung umiling iling na lang ako, hindi talaga marunong mag paalam yun.
"Kailan mo balak pakasalan si Ji?" natigilan ako sa ginagawa ko at tumingin kay hyung.
"Pagka-graduate namin." Saad ko sakanya at ibinaling ang mga tingin ko sa labas.
"You're running out of time, Jungkook" tumingin naman ako sakanya na nakatayo na ngayon.
"What do you mean?" tanong ko sakanya at tumalikod na siya, nag simula siyang maglakad at pinanuod ko lang yun.
"You know." Saad niya at lumabas na siya ng pinto, running out of time? Ang gulo ni hyung, ano kaya nakain nun.
Umiling na lang ako sabay kinuha ang susi ng sasakyan ko, pupuntahan ko ang calix kasi simula nung ribbon cutting hindi na ako naka bisita dun, lumabas ako ng opisina ko at naglakad papuntang parking lot pero may pumigil sakin.
"Hoseok hyung?" tumingin ako sakanya habang pagod na pagod siyang hinahabol ang pag hinga niya.
"S-si...Si Louise! Sinugod sa clinic!" saad nito at pumunta na agad kaming dalawa ng clinic, nagkakagulo ang mga estudyante sa harap ng clinic at nang makita nila ako biglang humawi ang daan. Pumasok ako sa loob ng clinic at isinara ang pinto.
"Ms. Nurse, ano nangyari?" tanong ko sa Nurse na tinitignan ang blood pressure ni Louise.
"Nahimatay ang patient, siguro sa pagod din nito. Hintayin lang natin siya magising at titignan natin ulit ang blood pressure niya kung okay na siya." Naupo ako sa tapat ni Louise at hinintay lang siya magising.
Ilang oras ang nakalipas ay nakaramdam ako ng pag galaw ng kama, pagkatingin ko ay gising na siya, "Okay ka na? Tawagin ko lang si Ms-"
"No, dito ka lang." hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ko yun. I felt something weird and it's not right.
"Ah! Gising ka na pala, may masakit pa ba sayo?" tanong ni Miss Nurse tumayo na ako at umalis sa clinic, tinignan ko ang orasan at uwian na din pala, pero sa Calix hindi pa uwian. Dumeretso na agad ako sa parking lot at nag drive papunta sa C.U
BINABASA MO ANG
[BTS] married to jeon jungkook: She's Mine // jjk ff.
Fiksi Penggemar"She's mine, not yours, not your girlfriend either your girl. Her body is mine. Her attention is only mine, not just because I'm fucking selfish. Because she's all mine." 170625 ; 8:24PM - created and published in wattpad.