50: Rejection or Acceptance?
JUNGKOOK'S POV
"Jungkook, where are you going?" tanong ni Mom sakin dito sa may sofa habang siya ay nag babasa ng dyaryo at ako ay nag aayos ng necktie.
"I'll be seeing Mikee." Bigla niya ibinaba ang dyaryo at tinitigan ako at tinitigan ko lang din siya sa may salamin, dahil kita lang siya doon.
"Tell her, I would like to see her later." I just nodded at kinuha na ang keys ng sasakyan ko, lumapit ako sakanya at hinalikan sa ulo. Lumabas na ako at sumakay sa sasakyan ko para pumunta ng mall para bilhan ng suot si Mikee.
Habang nasa daan iniisip ko kung ano magiging reaksyon ng mga magulang ko kay Mikee, it wasn't the first time na mag pakilala ako ng babae pero si Michi lang ang gusto nila sa lahat ng babaeng pinakilala ko.
Dumating ako sa clothing line store ni V hyung at saktong andun siya, "Hyung." Napatingin siya sa akin at sinalubong ako ng yakap.
"Bakit napunta ka rito?" tanong niya sa akin at tumingin ako ng suot sa girls section, "Ah, I see. Eto, Jungkook." Kumuha ng dress si Hyung at hindi naman ako nag kamali sa pinuntahan ko, maganda yung binigay niya sa akin at mukhang fit naman to kay Mikee, binayaran ko na sa cashier yung dress kahit ayaw mag pabayad ni Hyung.
"Tell tita that I would like to see her soon!" saad ni Hyung at nag thumbs up na lang ako, nag text ako kay Mikee na pupunta ako ngayon sa bahay nila. Yes, I know kung saan ang bahay nila ngayon.
Sumakay ako sa sasakyan ko at nilagay sa sticky note ko ang address na ibinigay sakin ng secretary ko at dinikit yon sa may radio ko. Nag start na ako mag paandar ng sasakyan dahil masyadong malayo ang bahay nila Mikee dito.
Napunta ako sa isang village at doon ko hinanap ang bahay nila Mikee, hindi naman nagkamali ang secretary ko sa nakuha niyang information, pag labas ko ng sasakyan ay kinuha ko ang paper bag at nag doorbell.
"Sino ho sila?"tanong nung isang katulong dito sa bahay nila Mikee.
"Jeon Jungkook." Saad ko at ngumiti ako, "Andyan ba si Mikee?" tanong ko sakanya.
"Mr. Jeon Jungkook ng GOLDEN Magazine?" ngumiti lang ako at tumango. Pinapasok naman niya ako at nag lakad papasok sa loob ng bahay nila.
"Maupo ho kayo. Ipaghahanda ko lang ho kayo ng kape, gising na rin po si Ms. Mikee, nag bibihis lang" saad niya at naupo naman ako.
Maya maya ay may pumasok din sa loob ng bahay nagulat si Stephen nang makita niya ako pero ngumisi lang ako, "Jungkook- Kuya?" saad ni Mikee na andito na rin pala kabababa lang at basa ang buhok.
"Long time no see, Steph." Saad ko sakanya at tumayo ako, inilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ko at nakangiti sakanya.
BINABASA MO ANG
[BTS] married to jeon jungkook: She's Mine // jjk ff.
Fanfic"She's mine, not yours, not your girlfriend either your girl. Her body is mine. Her attention is only mine, not just because I'm fucking selfish. Because she's all mine." 170625 ; 8:24PM - created and published in wattpad.