II

294 11 0
                                    


"Did you finish na your plates sa Structural Design? I think I'm gonna die, Yves! I have no sleep na palagi!" Nagkunwari pa si Kaye na naiiyak. Can't blame her tho. Grabe yung mga gawain namin ngayon. Napapikit rin ako saglit, kain na lang yata ang pahinga namin. Halos tatlong oras lang rin ang tulog ko sa dami ng ginawa ko kagabi. Kung hindi pa mag-aalarm yung phone ko ng alas-tres, malamang hindi ko matutuloy yung plates ko sa Structural Design na bukas na ang pasahan.


"Sa tingin mo tapos ko na 'yon? Sobrang alanganin kaya nu'u binigay!" Reklamo ko rin sa kaniya. Unang sem pa lang parang gusto na naming isuko yung apat na taon na hirap namin para makarating sa huling taon ng Civil Engineering.


"How about the Life Diorama? I want to suko na!" She sighed deeply. Napabuntong hininga na lang din ako. These days kung hindi kami bibigyan ng project, puro naman surprise quiz. Kahit ako hindi ko na rin alam kung paano ko i-ha-handle lahat. Sobrang sabog na ng schedule ko.


"Stop asking me, Kaye! I'm tired of thinking!" Niyuko ko ang aking ulo sa lamesa dito sa Rodriguez Hall. Hindi na kami nakadaan sa canteen dahil ilang minuto na lang magsisimula na ang klase namin sa CE Project 1.


"Oh, shit!" Napatayo ako ng may ma-realize ako. Gulat namang napatingin sa akin si Kaye habang nakahawak sa dibdib niya.


"What is it? What is it? May quiz ba ngayon? Hindi ako nag-aral!" Natataranta niyang bigkas. Napailing naman at nanlalaki ang mata na tumingin sa kaniya.


"Kaye! I forgot my essentials! Ginawa ko kasi yung plates ko sa Structural Design kaya inuwi ko sa condo! Shit!" Natataranta kong bigkas sa kaniya. Nanlaki na rin ang mata niya.


"Hala? Ngayon ba yung performance task sa CE Proj? Hala, Yves anong gagawin natin?" Parehas na kaming natataranta. Napatingin ako sa relo ko upang alamin kung ilang oras pa ang natitira bago ang klase. 12 minutes. Shit! You're so stupid, Yves! Napapukpok ako sa ulo ko. Naramdaman ko pa ang pagkulo ng tiyan ko. Hindi na akin makapag-isip ng maayos dahil sa gutom.


"Why don't you try borrowing from lower years? Baka naman pumayag sila?"


"Hi, Yves!" Napatingin ako saglit sa nagsalita pero hindi ko siya sinagot. Nagmamadali ako ngayon hindi ko kailangan ng manggugulo sa akin. Madalian kong kinuha ang bag ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero kailangan ko kumilos. Hindi pa ako nakakaalis sa pwesto ko nang may humaklit sa akin.


"Hey? What's the problem?" Tinignan ko siya ng masama at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.


"Pwede ba huwag ngayon? May importante akong kailangang gawin!" Inis na singhal niya. Nakita ko pa si Kaye na nagtataka sa kung bakit ako kilala nitong humaklit sa akin.


"What is it?" Tanong nitong muli. Aalis na sana ako ng sumagot si Kaye.


"Her essentials kasi. She forgot it sa condo niya." Bigkas nito. Nakita ko ang pagsilay ng kinang sa mga mata nito. Sasabunutan ko 'tong babaeng ito, e! Nakuha pang maglandi sa harap ko. Inirapan ko ito. Ano na nga bang gagawin ko?

VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon