XXIV

156 3 0
                                    

"Get your hands off me!" Malakas kong sigaw sa mga lalaking humihila sa akin. Pormal na uniporme ang suot nila at nanatiling walang ekspresiyon ang mukha kahit na anong hampas ang nakukuha nila mula sa akin. Tuluyan na nila akong naipasok sa mansion na kahit kailan hindi ko na plinanong tumapak.


Ilang araw akong nanatili sa condo unit ko. Nag-isip-isip matapos ang nangyaring usap namin ni Clyde. Kahit saang anggulo wala akong makitang paraan upang manatili pa sa kaniya.


Rumagasa sa akin ang iba't-ibang memorya sa bawat sulok ng lugar na ito. Pilit kong iniwaksi iyon sa aking isipin ngunit hindi ito nawala. Bawat lugar, simula sa masasayang alaala ng isang pamilya patungo sa malungkot. Ang paglaki ko sa lugar na ito. Ang ngiti ng aking ina. Ang mga kulitan, hanggang sa panahon na naiwan akong mag-isa. Matagal na mag-isa. Ang pagkamatay niya at ang pagdadala ng bagong pamilya ng aking ama at ang pag-alis ko rito baon ang huling pagtingin sa mansiyon.


Nangako ako sa sarili ko na hindi ako tatapak dito na walang naipagmamalaki sa mga taong nagmaliit sa kakayahan ko.  Saglit ngunit tagus-tagusan ang mga alaala na iyon sa akin. Wala pa sa plano ko ang umapak dito. Hindi pa sapat ang mga naabot ko upang ipamukha sa kanila na mali sila. Maling mali sila.


Walang nabago sa ayos ng bahay. Ang tanging pagbabago lang ay ang mga naka-display na litrato at ang mga kurtina. Wala ni isang natirang litrato ng aking ina. Hindi ko na rin naman iyon inasahan dahil alam kong hindi hahayaan ni Leandra na magkaroon ng bakas ang bahay na ito mula sa unang pamilya ng aking ama. Kaya nga tulak na tulak niya ang aking ama na hayaan lang akong umalis sa lugar na ito. Ginusto ko rin naman dahil hindi ko kayang pakisamahan ang mga demonyo sa impyernong ito.


"Sabing bitawan niyo ako, e! Hindi niyo ba ako naiintindihan? Mga bobo ba kayo!" Galit kong sumbat sa kanila. Doon lang nila ako binitawan at hinayaang makatayo ng maayos.


"Leave us." Rinig ko ang malalim na baritonong beses ng isang lalaki sa aking likuran. Hindi ko siya tinignan. Kailanman ay hindi ko makakalimutan ang boses na siya ring nagsabi sa akin na hindi ko kaya mabuhay ng mag-isa.


Labing anim. Labing anim na taong gulang ako, nang umalis ako sa bahay na ito. Mahirap. Malungkot. Pero kailanman hindi ko naisipan sumuko dahil gusto ko siyang balikan.


"Nandito na pala ang sutil mong anak." Rinig ko ring bigkas ng isa pang tinig. Si Leandra. Bakit ako magmu-mukhang maliit sa harap nila? Ilang taon na lang gugugulin ko, mahahawakan ko na ang alas ko na gusto kong isampal sa kanila.


I confidently look at them with disgust on my face. Sinalubong ko ng tingin si Ybarro Alcantara.


"Did you command those bastards to forcely bring me here just to see this trash?" Matabang kong bigkas sa kaniya. Nakita ko ang pag-aapoy ng mata ni Leandra ngunit pinigilan siya ni Ybarro na makalapit sa akin.


Nasa gan'ung posisyon kami nang marinig ko ang mga yabag ng isang batang lalaki pababa ng hagdan. "Mommy! Daddy! I'm ready na po!" Napatingin ako roon at tyaka ko lang napansin ang ayos nila. Pormal na pananamit ang ayos nila at sa bandang dulo ng mansiyon ay naka-ayos ang mga camera at ilaw. Ano ito? Gusto nilang manood ko sa pagkuha nila ng litratong pamilya? Payak akong natawa.


"Change your clothes, Yves. You'll come with us." Madiin nitong bigkas bago naglakad papunta sa mga camera. Agad akong tumutol.


"No! I will not come with you!" Angil ko. "Nakikita ko pa lang kayo ay gusto ko ng sumuka! Hindi niyo ako pinapalamon, kaya wala kayong karapatan na utusan ako!" Dugtong ko pa. Hindi ko napigilan ang aking sarili kahit na nandoon ang bunso nila. Takot itong tumingin sa akin bago yumakap sa kaniyang ina.


VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon