Epilogue

294 14 5
                                    

"Putangina ka! Hindi ka na makakaulit!" Sigaw ko kay Clyde habang gigil na hinihila ang kaniyang buhok. "Ouch, babe! Stop! Ouch!" Panay ang reklamo niya habang sumasabay sa takbo ng kinahihigaan ko na stretcher.


"Ah!" Muli kong sigaw nang muling kumirot aking tyan. Dahilan para mas lalo kong higpitan ang hawak sa buhok ni Clyde. Muli akong napabaling nang maramdaman ko ang paghampas niya sa aking kamay kays nabitawan ko ang kaniyang buhok. Binato ko siya ng masamang tingin.


"Aray ko!" Galit kong angil sa kaniya. "You're pulling my hair, babe! I can't walk straight!" Pagdadahilan niya sa akin bago inayos saglit ang nagulo niyang buhok habang sinasabayan ang galaw ng stretcher. Rinig ko pa ang mahinang tawa ng ilang staff na gumagabay sa amin pati na rin ni Doktora.


"Ouch!" Muli kong reklamo nang kumirot na naman. Nakita ko ang bahid ng pag-aalala sa mukha ni Clyde.


"You need to calm down, Mrs. Guzman. Slowly breath in. Breath out." Sinunod ko ang sinabi ni Doktora. Inabot ni Clyde ang kamay ko nang makita niyang bumalatay na naman sa aking mukha ang sakit.


"Hindi ka na makakaulit... hindi na!" Angil ko sa kaniya bago tumulo ang luha sa aking mata.


"Hindi ka sure!" Depensa niya. Muli na naman nagsitawanan ang mga kasama namin. Sinamaan ko siya ng tingin. Para ang kinakatay sa sakit. Hindi ko naman 'to naramadaman noong pinanganak ko si Eve dahil Caeserean Delivery siya.


Ilang saglit pa ay nasa emergency room na kami. Hindi na nila hinayaang makapasok si Clyde. Nakita ko pa ang abot tingin niya bago binigyan ako ng signal na 'laban'. Punyeta ka, Clyde!


---


Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at bumungad sa akin ang isang flash ng liwanag kaya agad akong napapikit at hinarang ang aking kamay sa aking mata.


"You're awake!" Masayang bigkas ni Hailey bago ibinaba ang camera na hawak niya. Kinunotan ko siya ng noo.


"Bakit mo ako kinukuhaan?" Naiinis kong bigkas sa kaniya. She flashes a quick smile before replying to my question.


"Souvenir." Masigla niyang sagot. Kung hindi lang ako nahihirapan kumilos ay baka nahila ko na ang buhok niya.


Huling naalala ko ay ang pag-iyak ng aking anak bago ako tukuyang mawalan ng malay. Nilibot ko ang aking tingin sa buong kwarto ngunit wala ang hinahanap ko.


Rinig ko ang pagbukas ng pintuan. Pumasok doon ang isang nurse habang akay-akay ang aking anak, kasunod niya ay si Clyde na hawak kamay si Eve.


Agad naman lumapit si Hailey at timitigan ang aking anak. She removed the flash of her camera before taking a picture of the sleeping baby. Inabot naman sa akin iyon ng nurse.


"Do you need help for breastfeeding the baby, Misis?" Magalang na tanong nito sa akin. I told her that I can manage so, she immediately left the room to give us space.


Lumapit sa akin sina Clyde at Eve. Hailey made her way to take a picture of us. Pagkatapos ay hinarap niya sa kaniya anv camera upang makasama siya sa litrato. After that, Eve sat beside Hailey on the sofa.


Clyde put his hands over my head while his fingers removed the messy hair in my forehead. "Thank you." He stated. I rolled my eyes. "Kunwari mabait." I mumbled.


He smirks before giving his attention to the baby in my arms. "Hi," He expressed before leaning to me to see the baby clearly. I heard he sniff, preventing himself from crying. My babe is really a crybaby.


VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon