XXVII

165 4 1
                                    


Naputol ang titigan namin ng tumunog ang aking cellphone. Nang tinignan ko iyon ay nakarehistro ang pangalan ni Hailey.


(Ate!) Mabilis niyang bigkas sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang sinasabi ng kaniyang titig. (Ate, kailangan mo pumunta sa mansiyon!) Lalong kumunot ang aking noo.


"Nasa mansiyon ka?" Nagtataka kong tanong. Knowing Hailey, she will not go there unless the reason is between life and death. Naalala ko pa noong kinakaladkad siya ng mga bodyguard ni Ybarro para lang madala siya roon.


Hindi ko pinansin ang nakamamatay na titig ni Clyde sa akin.


(You need to come here, Ate! Si Daddy—) Doon namatay ang tawag. Sobrang napuno ng kaguluhan ang aking isip at ng kaba ang aking dibdib. Kailan pa naging okay si Ybarro at si Hailey? At anong nangyari... kay Ybarro?


Nagmamadali akong tumayo ay kinuha ang aking gamit. "I need to go." Napatayo rin si Clyde dahil sa bigla kong pagtayo.


"Where? I'll drive you." Bigkas nito bago lumapit sa table niya upang kunin ang susi sa gilid ng kaniyang designation sign.


"No, thanks. I brought my car. I can drive myself." Tanggi ko sa kaniya ngunit hindi siya nagpatalo. "No! I'll drive you, Yves or you will not leave this room. You choose!"


Punyeta naman, Clyde.  Ngayon ka pa talaga nakasibay. Sa huli ay siya rin ang nag-drive sa akin papuntang mansiyon.


Pagkadating doon ay hindi ko na hinintay na makababa si Clyde at tinahak na agad ang daan papasok ng mansiyon. Bumungad sa akin ang mga ingay na nanggagaling sa loob.


"Hoy, Leandra! Just to remind you, your marriage with Ybarro is void!" Malakas na sigaw ni Hailey sa mukha ni Leandra. Agad naman dumapo ang palad nito sa pisngi ni Hailey  kaya napuno nun ang buong mansiyon sa sobrang lakas. Para akong sinilaban sa galit kaya sinugod ko si Leandra at itinulak siya papalayo.


"Don't you dare lay your filthy dirty hands on Hailey, again." Mariin kong bigkas sa harap niya habang dinuduro ang kaniyang mukha.


"Leave! Why are you even here?" Malakas na sigaw sa amin ni Leandra. Si Hailey naman ang sumagot sa kaniya. "You are the one who should leave this house, Bitch!" Madiin niyang bigkas.


Wala akong alam sa sitwasyon at kung bakit sumugod dito si Hailey.


"Akala mo ba hindi ko malalaman ang ginagawa mo sa kumpaniya?" Malakas niyang angil dito. "Pagkatapos mo magpakasasa sa pera ng tatay ko ang kumpaniya naman ang naisip mong angkinin ngayon? Malas mo, nalaman ko!" Lalong kumunot ang aking noo.


"Why?" Mahinang tanong ko sa kaniya habang binabasa ang kaniyang ekspresiyon. Puno iyon ng galit at hinanakit.


"That woman is trying to sell Ybarro's share in the company!" Galit niyang bigkas.


"Did Ybarro let her?" Nagtataka kong tanong kahit na alam kong hindi hahayaan ni Ybarro na gawin iyon ni Leandra. Halos ibuhos niya na ang buhay niya sa kompaniya.


"Of course not! She's taking advantage of father's sickness!" Agad tumutol si Leandra roon ngunit siya naman ang nabigyan ng malakas na sampal ni Hailey. "Ang kapal ng mukha mo!" Hinila nito ang buhok ni Leandra. Hindi naman iyon nakapalag dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa buhok niya. Kinaladkad siya ni Hailey hanggang sa labas ng mansiyon.


VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon