XXVI

164 7 0
                                    



I sighed again when I heard Kaye's voice coming from the living room.  Gustuhin ko man na takpan na lamang ng unan ang aking tenga upang makaligtas sa ratatat ng bibig niya ay pinili kong hindi na lang. Baka lalo siyang magwala doon.


Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos at lumabas na lang ng kwarto habang walang buhay na naglakad patungong couch at ibinagsak ko ang aking katawan. Bahagya pang tumaas ang hemline ng oversize shirt ko, showing my black cycling. I closes my eyes.


"What's your ganap, girl? Tambay ka na lang dito? Wala ka ng balak pumunta sa meeting sa Baltasar Inc.?" Galit niyang angil sa akin. Kahapon dapat ang punta ko roon at siguradong nalaman niya nahindi ako pumunta dahil kay Aubrey.


"I want to rest, Kaye." Mahina kong bulong bago binaling ang aking katawan. Para ang nabugbog sa sobrang bigat nu'n at medyo nahihilo rin ako.


"Kailan pa you nagpahinga? What's happening to you, Yves?" Direktang tanong niya sa akin. Hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya ang nangyari sa amin Clyde pati na rin ang nangyari sa mansiyon ni Ybarro. I'm too tired to tell her everything.


"Hey!" Muli niyang sigaw sa akin nang mapansin niyang humaba na naman ang aking pagpikit. Binato pa nito ang throw pillow mula sa single couch.


Nagdadabog akong umupo at itinaas ang dalawa kong paa sa couch. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Ang bigat talaga ng ulo ko, gusto ko pa matulog!


"Fine, I'll let you sleep." Suko niya kaya muli kong binagsak ang aking katawan pahiga sa couch. Hindi ko na namalayan na muli akong nakatulog.


-


Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng kirot mula roon, anong oras na ba? Ilang oras na naman ako natulog? Pagtingin ko sa orasan sa aking harap ay halos masampal ko ang aking sarili. Alas-tres na nang hapon. Kung bibilangin mula sa tulog ko kagabi, freakin' 18 hours!


I have been sleeping for freakin' 18 hours! Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang hilo roon. I overslept! Sinabayan naman ang aking hilo ng pagkulo ng aking tyan. Ilang beses na akong nalilipasan ng gutom kaya't medyo kumirot din iyon.


Pagdating ko sa kusina ay nakita ko ang sticky notes na nakadikit sa ref na alam kong si Kaye ang may gawa dahil siya lamang ang mahilig gumawa nu'n.


'I cook you food. It's inside! Reheat it before you eat!

xoxo


Binuksan ko ang ref upang tignan ang nilutong ulam ni Kaye ngunit sumalubong sa aking pang-amoy ang isang matapang na hindi ko alam kung ano. Agad kong pinisil ang aking ilong at isinarado ang ref. Halos mapatakbo ang banyo nang maramdaman ko ang pagbaliktad ng aking sikmura.


Napahawak ako sa gilid ng sink ng umakyat ang mapait na lasa mula sa aking tyan ngunit wala naman akong mailabas sa aking bibig dahil wala ring laman ang aking tyan. Nangasim ang aking mukha dahil sa kakaibang lasa nu'n. Agad akong nagmumog ng bibig.


Imbis na bumalik sa ref upang tingnan muli ang ginawa ni Kaye ay hinagilap ko na lamang ang aking cellphone at tinawagan siya.

"What did you cook?! It smells like shit!" Bungad na reklamo mo sa kaniya. Narinig ko naman ang bayolente niyang reaksiyon.


"What are you saying, Yves? That's your favorite, Adobo!" Sagot niya sa akin. Creased form on to my forehead. That doesn't smell like Adobo!


VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon