"I don't have plan on stepping my foot again to that house! Never again!" Sigaw ko sa aking kausap sa cellphone bago pinatay ang tawag. Halos bumaon ang aking kuko sa aking palad dahil sa madiin kong pagkakahawak doon.
Nanatiling tahimik lang na nakatingin sa akin si Kaye at Aubrey pagkabalik ko mula sa balkonahe. Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa sahig.
"Who was that? Are they bothering you ba?" Nag-aalalang tanong nito sa akin. I just shook my head and drink the cold water in front of me to release the bad feeling inside me. How dare them summon me in that house? I will not go back there anymore. I will not! Gigil kong binagsak ang baso sa coffee table buti na lang ay hindi iyon nabasag.
Napapitlag naman si Kaye at Aubrey. "Okay lang ba talaga you, girl?" Aubrey asked me. Tinanguan ko lang siya kahit sobrang inis ang nararamdaman ko. Kaye just opened another topic to change the atmosphere.
"In two days, we're going to graduate, I'm so excited!" Masaya nitong bigkas kaya napangiti si Aubrey at sinabayan ang kasiyahan niya bago nagsalita.
"Sana all!" Natawa ako dahil sa sinabi niya. Matatapos na rin namin ang ilang taong paghihirap sa college. Kinuha ko ang chopstick sa harap ko at kumuha ng lutong pork belly. Bago inisang inom ang laman ng shot glass.
Masaya kaming nagce-celebrate ngayong araw na imbis na sa bar ay nandito kami sa condo unit ko.
Kinabukasan pagkatapos ng usap namin ni Clyde ay hindi na naman kami nagkitang muli. Kaya hindi pa rin kami nagkaka-usap. Kaya pinili ko na lang na yayain sila Kaye at Aubrey dito na agad ding pumunta.
"What are your plans after?" Tanong ni Aubrey bago isinubo ang pagkain. "Ano pa ba? Edi Board Exam!" Matinis na bigkas ni Kaye. Mayroon pa kaming halos 6 na buwan bago ang Board Exam.
"How about your application for Suma Cum Laude, Yves? What happened?" Baling naman sa akin ni Aubrey. Hindi ko pa pala sila nasasabihan sa naging resulta. Maikli akong ngumiti sa kanila bago yumuko. Tumahimik naman sila saglit.
Muli ko silang tinignan na malungkot na nakatingin sa akin.
"I'll graduate with flying colors!" Sabay-sabay kaming nagtilian dahil sa sinabi ko. Napuno ng kasiyahan ang aking puso. Kung nandito lang si Clyde sa tabi ko, I'll feel perfect and I won't wish for more. But, he's not here.
"What about Clyde?" Tanong muli ni Aubrey. Tumahimik naman ang paligid. Parehas silang nakatingin sa akin at nag-aabang ng aking sasabihin. Even I, don't know what's the answer to that question.
"He's fine, maybe? I don't know." Mapakla kong bigkas. Napakunot naman ang noo ni Kaye dahil sa sinagot ko.
"Did you talk na ba? Or hindi pa rin?" Umiling lang ako sa kaniya bago muling nagsalin ng inumin.
"So, you still don't know what is his problem? I'm quite confuse about the two of you!" Reklamo ni Kaye, napatango-tango naman si Aubrey. Kahit ako naguguluhan na rin sa sitwasyon namin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung may nagawa ba akong mali.
"You're together, right? And now, hindi kayo nag-uusap na parang hindi kayo sanay na laging magkasama!" Muli nitong bigkas. I rolled my eyes on her. It's not my fault!
"Bakit parang kasalanan ko? I didn't do anything bad!" Pabalang kong bigkas sa kaniya. Kung meron man akong nagawa, sana sinabi niya para nagka-intindihan kami!
BINABASA MO ANG
Vivid
RomanceFlamboyant Series #1: Vivid (COMPLETE) It doesn't mean that you're older than me, my feelings aren't valid anymore. Do you want me to show you, how can I set you on fire? *** SYNOPSIS Yves Alcantara already planned her life: after she obtains her de...