XIII

175 7 0
                                    


"Where's your boyfriend?" Tanong ko kay Kaye nang makita kong mag-isa na lamang siyang papalapit sa akin. Naglakad na kami papuntang parking lot kung nasaan ang kotse niya.


"He needs to do something daw and I don't want him to make sama sa atin. It's our date kaya, duh!" Napangiti ako dahil sa sinabi niya.


"Duduguin yata ang ilong ko dahil sa pagsasalita mo." Ngayon ko na lamang muling pinansin ang paraan ng pagsasalita niya. This feels light and somehow made me feel good.


Pinili ko na ako na lamang muna ang manlilibre sa coffee shop dahil si Kaye na naman ang sasagot para sa dinner namin. Hindi sana siya papayag sa una, kaso sa huli ay napilitan na lamang siyang um-oo. Buong magdamag niyang hawak ang cellphone niya habang ako ay gumagawa ng draft para sa project design at structural design.


Mas gumagalaw na ng maayos ang utak ko ngayon kaya halos naka-focus lamang ako sa ginagawa ko. Hindi rin naman ako inostorbo ni Kaye at siya na rin ang kumuha ng order namin habang tuloy lang ako sa ginagawa ko.


Iilang mga schoolmate namin ang katulad namin na nagpapalipas oras din dito. Ngunit ang iba ay walang ginagawa masyado. Lower years siguro. Nang matapos ko na ang gagawin ko ay siya namang pagkulo ng aking tyan.


"Let's go na?" tumango lang ako at umalis na rin kami agad.


Nang makarating sa Lockhart ay agad din kaming inasikaso ng mga tao doon. Kilala na naman nila si Kaye dahil regular siya rito. Hinayaan ko na rin na siya ang um-order ng pagkain naming dalawa.


Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang pagkirot nu'n. Kulang pala ako sa tulog. Pinili kong tumayo na lang muna at pumunta ng comfort room upang mahimasmasan ang aking sarili.


Halos mapamura ako nang makita ko ang repleksiyon ng aking sarili. Bakas ang nangingitim kong mata at ilang buhok na nakatakas mula sa pagkakatali nito. Tinanggal ko iyon at sinubukang itali muli nang maayos. Binasa ko rin iyon nang kaunti upang hindi makadagdag gulo ang mga maliliit na buhok.


When I became satisfied with my looks, I left the comfort room. On my way back to our table, I heard familiar voices near where I'm about to walk. I tried to look where it is coming from, then, found out it was from a table three meters away from me.


A family having their dinner, happily. A complete family. With their guest? I don't know. They're with another family which is not familiar to me. But, there's a resemblance that I can't point out.


Payak akong natawa. Aalis na sana ako sa aking kinatatayuan nang may dumaan sa gilid ko at dumiretso sa lamesa na tinitingnan ko lang kanina. Nakita ko ang pagtayo ni Hailey at ang paghalik sa pisngi nito. Binati rin ito ni Alcantara at ng bago nitong asawa.


I don't know what to react. Why is life so cruel to me? Naging masamang tao ba ako noong past life ko.


Muli akong natawa nang payak at inalayan sila ng mabagal na palakpak. Agad ko ring nakuha ang atensiyon nila. Isa-isa silang napatingin sa akin. Rumehistro ang gulat sa mga mata nila at tumaas naman ang kilay ng aking madrasta.

VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon