Inalalayan ko siya papunta sa couch. Buti na lang ay leather iyon kaya hindi maabsorb ang tubig at madaling punasan. Natataranta ako dahil nagsimula na siyang manginig. Sigurado akong lalong tumaas ang temperatura niya. Agad kong hinanap ako remote ng air conditioner upang patayin ito. Sinarado ko rin ang nakabukas na pintuan sa balcony upang hindi pumasok ang malakas na hangin na nanggaling sa labas.
Dumiretso ako sa kuwarto upang kumuha ng pinakamaluwag na shirt na mayroon ako. Buti na lang ay mahilig ako sa mga oversized shirt. Hindi pa rin ako sigurado kung magkakasiya ito sa kaniya. Kaso pagdating sa shorts, wala! Wala akong mabibigay sa kaniya. I panic again because I don't know what to do! I had no choice but to go back where he was and told him to remove his shirt.
Tango at ungol lang sinagot niya sa akin at hindi tumayo mula sa pagkakahiga sa couch. Muli ko siyang inalog.
"Clyde get up! You need to change! Baka malamigan ka!" Inis na sigaw ko rito. Ngunit hindi pa rin siya kumikilos. Kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang kamay niya upang isabit sa leeg at muli siyang inupo. Bahagya pang nangawit ang aking leeg dahil sa bigat niya. Damn, this man!
I tried to raise his shirt but I end up stepping backwards again. I can't! I'm not accustomed with seeing naked bodies. Napapikit ako napahilot ng sentido. Nagpalakad ako ng pabalik-balik sa harap niya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagsasalita kaya napatigil ako.
"What? I didn't hear you." Mahina kong bulong sa kaniya at nilapit ang aking tenga sa bibig niya.
"Akin na." Halos mag-init ang aking katawan ng humaplos ang malalim niyang boses at ang init nito sa aking tenga. Ano bang nangyayari sa akin? Inabot ko na lang sa kaniya ang t-shirt na hawak ko.
Pinilit niyang itaas at tanggalin ang shirt na suot niya. Kahit ako nahihirapan dahil nakikita ko siyang hindi makakilos kaya lumapit na ako para tulungan siya. I can do this! I can do this! I should just stop myself from looking to his direction. Kaso kailangan kong lumingon ulit upang tingnan kung tapos na siyang punasan ang basa niyang katawan. Shit, muscles! Hot blood from my feet rushes to my face making it a visible red. Napasahan niya ba ako nang lagnat? Bakit parang ang init? Napapaypay ako sa aking sarili.
Nang makita ko na tapos na siyang magpunas ay tinulungan ko siyang ipasok ng tama ang kaniyang kamay sa t-shirt na bago. Tsaka ko pinag-isipan kung ano ang ipapalit sa jeans na suot niya. Pumunta ako sa banyo upang tumingin-tingin. Nakita ko ang bathrob kaya napili ko na iyon na lang ang kunin. Bahala na.
Pagbalik ko sa pwesto niya ay nakapikit na siya ulit habang nakasandal ang ulo sa backrest ng couch. Muli kong tinapik ang kaniyang pisngi.
"You need to take-off your pants." Bigkas ko. Inabot ko sa kaniya ang bathrobe, kahit nahihirapan ay agad niyang nilagay iyon sa katawan niya. Tumalikod ako ng simulan niyang tanggalin ang pagkakabutones ng jeans niya. My virgin eyes ain't ready to see something I shouldn't.
Hindi ko alam kung paano ko siya lilingunin muli kaya minabuti ko na lamang na dumiretso sa kwarto upang kumuha ng extra pillow and comforter. Hindi naman pwedeng magtabi kami sa kama ko. Nakapikit kong tinahak ang daan pabalik. Nang sa tingin kong malapit na ako sa sa couch ay dahan-dahan kong binuksan ang aking mata. Lord, help me overcome this obstacle.
BINABASA MO ANG
Vivid
RomanceFlamboyant Series #1: Vivid (COMPLETE) It doesn't mean that you're older than me, my feelings aren't valid anymore. Do you want me to show you, how can I set you on fire? *** SYNOPSIS Yves Alcantara already planned her life: after she obtains her de...