"Yves!" rinig ko ang malakas na sigaw ng aking pangalan kaya hinanap ko ang direksiyon ng tumawag sa akin.
Nakaramdam ako ng hampas sa aking balikat kaya napadaing ako. Masama kong tinignan ang tao sa aking likuran. Sinalubong niya ako ng naka-peace sign.
"Babae ka ba talaga? Parang hindi." Inis kong bigkas sa kaniya at nagpatuloy na sa aking paglalakad. Sumabay siya sa akin.
"Tapos ka na sa assignment sa Calculus?" Hindi ko siya nilingon at diretso lang na naglakad. Tinutukoy niya ang lesson namin ngayon sa Earthquake Engineering. Bumalik na naman kami sa Calculus. Kahit ako naiinis na rin doon. Binilisan naman niya ang paglakad niya at tumigil sa harap ko kaya napatigil din ako. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kaniyang bewang.
"Why are you so sungit today? Are you on period?" Matinis niyang bigkas. Hindi wari'y ang ilang estudyante na nakarinig sa kaniya dahil nasa hallway kami. Inikutan ko siya ng mata.
"Stop saying that. Hindi porket masungit ang isang babae may period siya." Bigkas ko at humalukipkip sa harap niya. This girl has no filter!
"Then, why are you like that ba?" Tanong niya ulit. Ewan ko sa babaeng ito. Parang pinilipit ang dila.
"Let's just eat, Kaye. I'm hungry! Stop asking. Kung hindi, hindi talaga kita papakopyahin sa Calculus." Agad naman siyang nagzipper ng kaniyang bibig. Minsan iniisip ko kung paano ko naging kaibigan ang babaeng ito. She seems so easygoing with everything.
--
"Alcantara, Yves?" rinig kong sabi ng professor ko. Nagtaas naman akong ng aking kamay upang iparating na nandito ako. Tumango-tango naman siya.
"Can you show the whole class how you got your answer for the final quiz? Only you got the correct solution and answer." Narinig ko naman ang palakpakan ng mga ka-blockmate ko. Narinig ko pa ang pag-sana all ni Kaye. Ang iba naman ay kinuha lang ang pagkakataon para makapag-ingay sa klase. These people, parang hindi mga college students.
Tumayo na ako upang lumapit sa board. This is a chance to let myself known. Sabi nila mas maganda na alam ng professor mo kung sino ka.
"Quiet, class! Be ready your explanation on how did you get your final answer, with the solution that you wrote!" Galit na sigaw ng prof kaya napatahimik ang lahat.
Pagkatapos ko ipaliwanag ang aking sagot ay sakto namang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase namin sa Earthquake Engineering. Nagpaalam naman ang guro namin at nagsabi na itutuloy na lang sa susunod na meeting. Nagtayuan naman ang iba na nasa room at umalis agad dahil nakaligtas sa tanong ni sir mamaya.
Habang inaayos ko ang aking gamit ay narinig ko ang malalim na paghinga ni Kaye.
"Ayoko na talaga ng Calculus!" Sigaw niya. Nakisang-ayon pa sa kaniya ang ibang dumadaan sa gilid namin.
"Galing mo talaga, Yves! Gumamit ka kodigo no!" Sarkastikong sabi sa akin ni Janna. Tinaasan ko siya ng kilay bago inirolyo ang aking mata. Narinig ko pa ang pag-tsk bago umalis. So much for my college life. This kind of people still exists.
Pagkatapos ko maayos ang aking mga gamit ay sabay kami ni Kaye naglakas palabas ng room.
"Saan ka?" Tanong niya sa akin ng dumiretso lamang ako sa paglakad at iniwan siyang nakatigil.
"Library." Bigkas ko at diretso lang sa paglakad.
BINABASA MO ANG
Vivid
Roman d'amourFlamboyant Series #1: Vivid (COMPLETE) It doesn't mean that you're older than me, my feelings aren't valid anymore. Do you want me to show you, how can I set you on fire? *** SYNOPSIS Yves Alcantara already planned her life: after she obtains her de...