III

232 11 2
                                    

"Where did you get my number?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. Habang kumakain kasi ako kanina ay biglang may tumawag sa akin na unknown number. Kinabahan pa ako dahil baka iyon na ang magde-deliver ng mga inorder ko from an online shop. Kaso familiar na boses ang narinig ko.

"Ay, hehe." Napakamot pa siya sa kaniyang ulo. Palagi niya yata ginagawa iyon?

"Saan?" Muli kong tanong dahil hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating. Napaayos siya ng upo sa muling pagsusungit ko sa kaniya.

"Kay Kaye." Mabilis niyang bigkas. Ang bilis naman niyang makilala si Kaye at binigay pa talaga ang personal contact number ko. Sasabunutan ko talaga iyong babaeng iyon. Kinuha ko ang bag ko at nilabas doon ang transparent na bag na inabot niya sa akin kanina na naglalaman ng mga gamit niya.

"Here," Inabot naman niya iyon. "Thank you." Doon ko siya inalayan ng ngiti. Totoong nagpapasalamat ako sa kaniya. Kung pwede lang sabihin na he's my life savior, sinabi ko na. Kaso baka matuwa masyado.

Nakita kong nagpipigil siyang mapangiti. Pinadaan niya ang kaniyang hinlalaki sa lower lip at tumingin sa akin. Hindi naman mapinta ang aking reaksiyon. Ano ba dapat na reaksiyon ko?

"How can I repay you? Pati pala sa food. " Tuluyan na siyang natawa. Iwinagayway niya ang kaniyang kamay sa harap ko. "No need. Don't worry you can have me anytime." Masaya niyang bigkas. Natahimik naman ako. Anong meron sa choice of words ng lalaking ito?

"Clyde," muli siyang napatingin sa akin, "Are you flirting with me?" Seryoso kong tanong sa kaniya. I can't help it! I'm a straight-forward person. Tuluyan ng sumabog ang halakhak niya na kanina niya pa yata pinipigilan. Hindi na ngayon ang hinlalaki ang dumaan sa labi niya kundi ang mga dila niya.

Iniba ko ng direksiyon ang aking tingin. Did I say something funny?

"You're so interesting, Yves." Tumayo na ito sa pagkakaupo at nagpaalam na sa akin. Naiwan naman akong nag-iisip sa upuan ko. May tililing siguro iyon sa utak.

--

"Aray ko naman, Yves!" Reklamo sa akin ni Kaye ng malakas kong hinila ang buhok niya pababa. Masama niya akong tinignan. Sinalubong ko rin siya ng masamang tingin.

"Bakit papalag ka?" Tinaas taas ko pa ang aking baba sa harap niya. Ngumiti pa siya at nag-peace sign at pinagpatuloy na ang pagkopya sa assignment namin sa Earthquake Engineering. Ilang araw pagkatapos ng pag-uusap namin ni Clyde sa Coffee Shop ay hindi na kami nagkakausap muli. Nakikita ko siya palagi sa hallway pero mukhang hindi naman niya ako napapansin.

Nandito kami ngayon sa lounge area ng library. Habang prente akong naka-upo ay nagkukumahog na naman si Kaye sa paggawa ng assigment na nakalimutan na naman niyang gawin. Hindi ko alam sa babaeng 'to kung ano ang pinaggagagawa sa buhay niya tuwing gabi.

"Hoy, babaita! Umamin ka nga sa akin! Saan ka na naman nanggaling kagabi? Halos wala kang nagawa sa lahat ng kailangang ngayong araw!" Paggalit kong bigkas sa kaniya. Nataranta siya lalo dahil sa tanong ko.

"H-ha? Ah! Sa garden tumambay ako magdamag! Nag-gardening!" Natataranta niyang sagot. Napataas ako ng kilay. Sa garden? May garden ba sa condominium niya? At kung meron man buti pumayag yung management na galawin niya iyon.

"Saan ka ba umuwi? Sa bahay niyo sa Laguna? Hindi ka man lang nagsabi sa akin." Nagtatampo kong sabi sa kaniya. Ang ganda pa naman ng bahay nila sa laguna. Masarap pa ang simoy ng hangin.

VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon