XXV

160 4 0
                                    


"Mommy, I thought we're going to Daddy, but why are we on Tita Kaye's house?" Nagtatakang tanong sa akin ni Eve pagkatapos ko itigil ang sasakyan sa harap ng bahay ni Kaye. Nakita ko na rin si Kaye na naghihintay sa main door ng bahay nila.


Hindi ko sinagot si Eve at bumaba lang ng sasakyan pagkatapos i-abot ang bag niya sa shotgun seat. Umikot ako hanggang sa pinto na malapit sa pwesto niya bago tinanggal ang seatbelt niya at binuhat siya papalabas ng kotse.


Muling nagtanong si Eve ngunit hindi ko siya sinagot. Pagkalapit kay Kaye inabot niya sa akin ang bag ni Eve.


"Makakabalik ka ba bago ang sleeping time ni Eve or I'll let her sleep?" Tanong sa akin ni Kaye. Lalong nagtatakang tumingin sa akin si Eve.


"Mommy are you leaving me here po? Where are you going, Mommy?" Sunod-sunod na tanong niya nang ibaba ko siya sa couch. Nakita ko rin ang paglapit ni Ayen sa pwesto namin ngunit hindi siya nilingon ni Eve na mariing nakatingin sa akin.


"Baby," Nilunok ko muna ang laway sa aking bibig bago itinuloy ang sasabihin sa kaniya. "Can we reschedule our day to see your Daddy?" Nakita ko ang pagsalubong ng makapal niyang kilay. Katulad na katulad sa kaniyang ama.


"Po?" Malungkot niyang bigkas. Pumikit-pikit ang mata niya na wari'y pinipigilan iyon sa pagtubig. "Am I really not allowed to see him, Mommy? It's okay na po. Let's just go to the mall, I want to be with you, Mommy." Bahagya akong umiling sa kaniya.


"Kasi Baby, my boss called me," Iyon pa lang ang nasasabi ko ay rumehistro na agad ang pagkadismaya sa kaniyang mata. Inusod niya ang kaniyang sarili hanggang sa makasandal siya sa backrest ng couch. "You're leaving because of work na naman? I thought this is for me, Mommy?" Mangiyak-ngiyak nitong bigkas. Magpapaliwanag na sana ako sa kaniya nang putulin ako ng ingay ng aking cellphone. Napatingin ako doon.


Iyon naman ang kinuhang oras ni Eve para lumayo sa akin at tumakbo papuntang taas nila Kaye. Pinatay ko ang tawag. "Eve!"


Susundan ko na sana siya ngunit agad na namang tumunog ang cellphone ko.


Engr. Morayta calling...


Pinigilan na ako ni Kaye. "I'll explain it to her, Yves. You should do your work baka pag-initan ka na naman niyan." Kahit nag-aalangan ay tinanguan ko siya at tinahak na ang daan palabas kahit na mabigat ang aking puso. Nagtubig ang aking mga mata. I'm torn.


Tumingin muna ako sa taas nila Kaye at nasalubong ang nakatingin na si Eve sa akin na mayroong mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata. Umiwas ito ng tingin at umalis na mula sa pagkakasilip sa bintana.


Kagat labi akong pumasok at pinaandar ang sasakyan papuntang Guzman Corp. Hinayaan kong tumulo ang aking mga luha dahil sa paghigpit sa aking puso tuwing maalala ko ang luha mula sa mata ni Eve.


Pagkadating ko roon ay agad akong nagtungo sa conference room. Sumalubong sa akin ang nag-aabang na si Engr. Morayta habang may tinatawagan sa kaniyang cellphone. Agad kong tinawag ang pansin niya.


Salubong ang kilay ako nitong tinignan bago dinuro. "You're late, Engr. Alcantara! Ganyan ka ba ka unprofessional!" Bungad nito sa akin.


"But sir I filed a leave for to—" Pinutol niya ako agad.


"Uunahin mo pa iyon bago itong major project? You know how much this project is important for the company!" Gusto ko na lang siya hambulusin ng hawak kong bag dahil sa sobrang inis! His getting on to my nerve! Gustong-gusto ko na siyang saktan. I gritted my teeth to prevent myself from doing so.


VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon