"Do you have any plan na for sembreak?" Kaye asked me. She sipped on her orange juice. Umiling ako. Lately I realized that I always don't have any plans.
"You should start thinking about it! Last day na ng midterms oh!" Pamimilit niya sa akin. Isa rin sa dahilan kaya wala akong plano ay dahil gusto kong ipahinga ang utak ko. Babawi ako sa mga tulog na kinulang ako. Rather than spending money for that, I'll just stay in my unit. I can also start reading in advance.
"Bakit ikaw, meron ka na bang plano?" Tanong ko sa kaniya. Kanina lang ay kinukwento niya sa akin kung paano sila nagkakilala ng jowa niya kaya sigurado ako na magkasama silang dalawa ngayong bakasyon.
"Yes, Hanz and I will go to Baler for the whole week." Kulang na lang ay kuminang ang mata niya dahil doon. Kapag ito iniwan ng jowa niya, ewan ko na lang sa kaniya.
"Just make sure to be safe, ah? Wala akong balak mag-travel hanggang Baler kapag may nangyari sa'yo. Wala akong pera." Biro ko sa kaniya. Sinamaan lang niya ako ng tingin at tinuloy na ang pagkain.
"Wait, you're not making kwento about Clyde, ah! I already told you how I met Hanz, but you still don't update me." Reklamo sa akin ni Kaye. Nag-isip ako ng isasagot sa kaniya.
"Well, we have the same condominium and his unit is in front of mine." Nanlalaki ang mata na tumingin sa akin si Kaye. Napatakip pa siya ng bibig, animo'y gulat na gulat sa sinabi ko. "Really? It's destiny!" Ilang saglit ay napalitan ang tingin niya ng maloko at nginisian ako.
"You tell me, Yves. Hanggang what base na inabot niya?" Tuloy niya pa. Kinunutan ko siya ng noo. Base, what? "Homerun?" Tuloy niya pa at halos isaboy ko sa kaniya ang juice na hawak ko nang maintindihan ang gusto niyang iparating.
"Shut up, Kaye!" Pigil ko sa kaniya pero hindi niya ako tinigilan. "Fine!" I accepted my defeat. "We kissed." Mahina kong bigkas. Lalong napuno ng kuryosidad ang mata ni Kaye.
"And?" Hintay niya sa kasunod. Napabuntong-hininga ako at tinuloy ang aking sasabihin. "It's in the library." Impit siyang napatili. Agad ko naman siyang hinampas. "Wild!"
"Shut up!" Pigil ko sa pag-iingay niya. Tumayo naman siya at pumunta sa gilid ako. Niyakap niya ako nang mahigpit.
"I'm so proud of you, Bakla! Your lips is not virgin na!" Pinilit ko namang tanggalin ang yakap niya sa akin. "Stop it, Kaye! I shouldn't have said it! Everyone here might think that I kiss and tell!" Reklamo ko sa kaniya. Bumalik naman siya sa pagkakaupo.
"So, you were the one who initiated the kiss?" Sinamaan ko siya ng tingin at agad na tumangi. "Of course, no!"
"Speaking of the devil." Napatingin siya sa likod ko. "Hi, Clyde!" Nilingon ko naman ito. Nakita ko na ngumiti siya kay Kaye bago bumaling sa akin at nagbigay ng naglalarong ngiti.
"Yves," nagtatanong akong tumingin sa kaniya at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Nothing." Tuloy niya at tuluyan na ring dumiretso sa paglakad. "Weird." Bulong ko at muli ko na namang narinig ang impit na tili ni Kaye.
BINABASA MO ANG
Vivid
Любовные романыFlamboyant Series #1: Vivid (COMPLETE) It doesn't mean that you're older than me, my feelings aren't valid anymore. Do you want me to show you, how can I set you on fire? *** SYNOPSIS Yves Alcantara already planned her life: after she obtains her de...