XVIII

206 7 3
                                    


"Punyeta, Angeles! 10 minutes! And if you're still not here after that, don't ever expect that I will include your name to this fvcking thesis paper!" Gigil na bigkas ko kay Kara bago pinatay ang tawag. Binato ko ang cellphone ko sa couch bago ibinaling ang aking tingin sa harap.


Sumalubong sa akin ang gulat na tingin ni Samantha Raye, mas batang kapatid ni Kaye. Maikli ko siyang nginitian. She awkwardly smiled back before she continued her way out.


"You make kalma, girl! Baka mag-explode yung head mo!" Alo sa akin ni Kaye. Masama ko siyang tinignan. Tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay at tinikom ang bibig.


Muli kong binasa ang mga nai-type ko sa laptop sa aking harap. Months had passed at sinimulan na namin ang aming major requirement namin including this thesis paper. Kaninang alas nueve pa ako nandito kila Kaye, pero yung isa naming kagrupo na si Kara Angeles, ay wala pa rin hanggang ngayon. It's already 11 AM, for God's sake!


"Siguraduhin lang ni Kara na tapos niya na yung Chapter 2! Kundi, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya." Napahilot ako sa aking sentido.


"Anything you want to drink or eat?" Tanong sa akin ni Kaye. Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo pagkatapos ayusin ang mga papel na inaayos niya kanina.


"Kahit ano na lang." Sagot ko sa kaniya. Tumango siya bago tinungo ang kanilang kusina. Tumayo rin ako at kinuha ang laptop at inilipat iyon sa coffee table nila. Pinili ko na sa sahig na lamang umupo. Baka muling hinilot ang aking sentido. Ilang oras lang ba yung tulog ko kanina dahil dito?


Nakuha naman ng cellphone ang atensiyon ko nang sinakop ng ingay nito ang buong living room nila Kaye. Inabot ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag.


Babe calling...


"What?" Bungad ko sa kaniya nang sinagot ko ang tawag. Nagsimula akong mag-type muli sa laptop ng mga resulta ng surveys. We still need to discuss this but Kara is still not here! Gusto ko na siya sabunutan!


(Hello, babe. Uso hello, hehe.) Sagot niya sa akin. I rolled my eyes even though he can't see me.


(Stop rolling your eyes, babe.)  Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Napatingin ako sa entrance ng bahay nila Kaye at nakitang papasok doon si Clyde. Nagsalubong ang aking kilay. Anong ginagawa niya dito?


Pinatay ko na ng tawag at siya na ang kinausap.


"What are you doing here?" Tanong ko sa kaniya habang sinusundan ng aking mata ang galaw niya papalapit sa akin. He chose to sit on the couch. Nakatingala ako sa kaniya dahil mas mataas ang pwesto niya kaysa sa akin.


"Wala ka bang kailangang gawin?" Sunod kong tanong pagkatapos niyang i-alog lang ang kaniyang mga balikat sa una kong tanong. Buti pa siya nandito si Kara hanggang ngayon wala pa rin. Muli na namang nag-init ang aking ulo kaya pinihit ko ang aking katawan paharap sa laptop at may galit na nag-type roon.


"Hey, are you mad that I'm here?" Tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot. I re-read what I wrote and processed what to write next.


"O, Clyde! You're here na pala!" Bigkas ni Kaye pagkabalik niya galing kusina. May hawak siyang platito at baso na may orange juice. A slice of black forest cake kicked my stomach. Hindi ko iyon naabot dahil kinuha ni Clyde kay Kaye ang platito. Sinamaan ko siya ng tingin.


"That's mine!" Angil ko sa kaniya ng sinimulan niyang kumuha doon. I won't let him eat what's mine.


"I know, babe! Hindi ko naman inaangkin." Itinapat niya sa akin ang tinidor na may laman. Ibinuka ko ang aking bibig upang salubungin iyon. Tahimik lang si Kaye na umupo sa single couch habang hawak ang baso. Alam niyang hindi ko siya hahayaan na ilapag iyon sa coffee table dahil nandoon ang mga papel ng survey namin.


VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon