Prologue

627 15 0
                                    


"Hoy bata! Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Inis na bigkas ko habang pabalibag na sinara ang libro na aking binabasa. Hindi niya napigilang mapataas ang dalawa niyang kamay sa ere. Tinitigan ko siya ng masama.


"Huwag ka magalit sa'kin, Babe! Lagi na lang magkasalubong yung kilay mo!" Lumuhod siya sa harap ko at ginamit ang kaniyang hintuturo at hinlalaki upang ayusin ang aking kilay. Walang hiya talaga 'tong lalaking 'to. Cringe!


"Tantanan mo ako sa babe, babe na 'yan ah! Tatamaan ka talaga sa akin!" Hindi pa siya nakakapagsalita ay agad kong iniwas ang aking mukha sa kaniyang kamay at hinampas ang librong hawak ko sa ulo niya. Hindi iyon gaano kalakas pero sapat na para mapadaing siya.


"Babe, wala pa ng—" Hindi niya na natuloy dahil muli akong umamba ng paghamas ng libro sa kaniya. Agad niya namang ginawang panangga ang dalawa niyang kamay. Napatingin ako sa pwesto niya sa sahig at mahinang natawa. Mukha kasi siyang bubugbugin ng isang batalyong kalalakihan. 


Napatingin siya sa akin ng marinig niya ang mahina kong hagikgik. Bumalatay ang simangot sa kaniyang mukha.


"Bakit ka tumatawa?" Ngumisi siya. Shit, wrong move. Hindi ako natutuwa sa ngisi niya. Akmang tatayo na ako nang bigla niya akong ambain kaya parehas kaming natumba sa sofa bed na kinauupuan ko kanina. Niyakap niya ako ng mahigpit at kinulong ako sa mga bisig niya.


"Bata bitaw!" Malakas na reklamo ko habang patuloy na tinatanggal ang pagkakakulong niya sa akin.


"Sinong bata sa'tin ngayon!" Pang-aasar niya pa at lalo akong niyakap ng mahigpit. Kaunti na lang ay piling ko mapipiga na niya ako gamit ang dalawang niyang mga braso.


"Punyeta, Guzman! Kapag hindi mo pa ako binitawan, hindi ka na makakapunta dito ulit! Hindi ako makahinga!" Pananakot ko sa kaniya. Buti na lang ay malaki ang sofa bed ko kaya kahit anong galaw namin ay hindi kami babagsak sa sahig.


Nagulat na lang ako nang mapansin ko na nakahiga na ako sa sofa bed at napapaibabawan na niya ako. Napalunok ako nang tila may bumara sa aking lalamunin dahil sa malalim na titig niya sa akin. Una kong napansin ang kaniyang mahahabang pilikmata. Hindi ko man aminin sa kaniya, ngunit isa iyon sa madalas na una kong napapansin sa kaniyang mukha.


"Weh? Hindi na ako makakabalik dito?" Mababang tinig niyang tanong. Hindi ako nakasagot dahil halos ilang pulgada na lang ang pagitan naming dalawa. Napatingin siya sa labi ko. Mukha ngang tuluyan na akong natigilan at kahit paghinga'y hindi ko na ginagawa. 


Walang hiya ka, Yves! Bakit hindi ka sigurado?


"Shut up." Mariin kong bulong dito nang hindi inaalis ang tingin naming dalawa. His expression soften. His hands went to my arms and slightly squeeze it. Muli ko siyang binigyan ng masamang tingin. He answered me with sweet smile. 


This is bad. He knows me too well. I hate it. 

VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon