Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo dahil sa inaaral ako. Nang tinignan ko ang orasan ay napagtanto ko na halos apat na oras na akong nag-aaral. Pag-ihi lang ang pahinga. Nang lingunin ko Clyde na naka-pwesto sa lamesa sa kitchen ay napansin ko na hawak na nito ang cellphone at nakataas ang dalawang paa sa lamesa.
"Bata, yung paa mo." Napatingin ito sa akin at naintindihan naman ang gusto kong iparating. Ibinaba niya agad ang kaniyang paa. Ibinalik ko ang tingin sa mga papel sa harap ko. He was true to his words. Nang simulan kong magreview kanina ay hindi niya na ako ginulo kahit kinausap. Ito rin ang unng beses na nakita ko siyang may ginagawa na academically-related.
"Do you want to eat? It's past dinner." Dama ko nga ang pag-aasim nang aking sikmura dahil hindi pa rin ako nakain. Pero mas pinili kong mamaya na lang kumain kapag natapos ko na itong Construction Method and Project Management. Umiling na lamang ako.
Hindi na siya sumagot kaya pinagpatuloy ko na lamang ang pag-aaral.
Ilang minuto pa ang lumipas nang binasag namg doorbell ang katahimikan. Nilingon ko lang ang pintuan at kumunot ang noo. I don't expect any visitors today. Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Clyde at siya ang pumunta sa pintuan. Kaya niya na iyan. Kaya niya ng ipaliwanag ang sarili kung bakit siya nandito sa unit ko. I don't need to explain anything.
Hindi ko siya binalingan nang bunalik siya sa ulit habang may hawak na mga paper bag. Nilingon ko lang siya saglit at binalik rin ang tingin sa mga inaaral. Hindi man lang niya ako sinabihin na oorder pala siya. Sana nagpasabay na lang ako.
"Babe, let's eat. Baka wala ng pumapasok sa isip mo niyan dahil sa gutom." As if on cue, naramdaman ko ang mahinang pagreklamo ng aking tyan. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil kasama ako in-order-an niya o maiinis dahil sa pagtawag niya.
"Later, I'm almost done with this subject." Pinili ko na tapusin muna ito para hindi maputol ang momentum ko sa pag-aaral.
Nagulat pa ako nang tumabi siya sa akin na may hawak na plates at utensils. Inilapag niya iyon sa couch at kagaya ko ay umupo sa sahig. Dito pa talaga siya kakain sa harap ko a? I removed that thought toatop myself getting annoyed.
"Ah." Muli akong napatingin sa kaniya nang may sumulpot na kutsara sa gilid ko. Napatingin ako dito at sa may hawak nang kutsara.
"Mamaya ka na kiligin, 'ah' muna." Pilyo niyang sabi. I prevented myself from rolling my eyes. Baka biglang bawiin, nagugutom na talaga ako. I received the food with my mouth. I remained looking in his direction while slowly chewing my food.
"Hala, mag-aral ka. Huwag mo ako titigin." He stated while getting another spoonful of food for himself. Are we using the same utensils?
Huminga ako nang malalim nang mapansin na nasa huling pahina na ako ng notes ko. Iniisip ko kung may nakaligtaan pa akong lesson pero mukhang wala na.
Sumandal ako sa upuan ng couch at inilapat ang aking ulo sa ibabaw nito. Stretching my aching body dahil sa apat na oras na pagkaka-upo.
Napatingin ako kay Clyde habang nasa ganu'ng posisyon. I noticed that he was just observing my move while slowly eating. Inabot ko ang plato mula sa kaniya at pumunta sa kusina upang lagyang muli ang plato. I need a lot of food to regain my energy.
Bumalik ako sa pagkakaupo sa sahig at kumain sa harap niya.
"Ah." Bigkas niya kaya napatingin ako sa kaniya. His mouth is partly open waiting for me to give him food. So, I just did what I need to do. Smile is playing on his lips.
BINABASA MO ANG
Vivid
RomanceFlamboyant Series #1: Vivid (COMPLETE) It doesn't mean that you're older than me, my feelings aren't valid anymore. Do you want me to show you, how can I set you on fire? *** SYNOPSIS Yves Alcantara already planned her life: after she obtains her de...