XII

176 5 0
                                    



"Are you really sure you're okay na, Yves?" Hindi ko na mabilang kung pang-ilang tanong na sa akin niyan ni Kaye. Two weeks had passed already after I cried my heart out in her shoulder. A week without having a chance to speak with Clyde. Tinambakan na kami ng sunod-sunod na gawain plus the research project and project designs.


"I'm fine, Kaye. Don't worry too much." Sagot ko sa kaniya. Binigyan niya ako ng isang ngiti bago umalis at sumama na sa jowa niya na kanina naghihintay. I just wish she'll remain happy with her life. I can't imagine not having her by my side, especially these days.


Ilang oras pa akong nanatili sa coffee shop na tinambayan namin ni Kaye para tapusin ang ilang mga gawain bago naisipang mag-ayos at ituloy na lamang sa condo ko. Wala rin naman akong nagagawang matino dito. Pagkatapos ko ilagay ang lahat ng gamit ko sa bag ay tinahak ko na ang daan palabas.


Nginitian ko ang babae sa cashier nang batiin pa ako nito at nagpasalamat bago ako tuluyang makalabas. Pagkabukas ko ng pinto ay hindi ko napansin na may isang grupo ng estudyante na dumadaan kaya napatigil ako. Gulat ang rumehistro sa akin nang makilala ko ang isa sa kanila. Clyde. Nawala ang mga ngiti niya sa kaniyang labi. Natahimik din silang magkakaibigan. Hindi ko alam kung kilala nila ako.


"Clyd-" Ngunit bago ko pa matuloy ang pagbigkas ng pangalan niya ay agad na siyang dumiretso sa paglakad at iniwan ang mga kaibigan niyang napatingin din sa akin. Nakita ko ang pagtataka sa kanila dahil narinig nila ang pagtawag ko kay Clyde na dinaanan lamang ako na parang hangin.


Huminga ako ng malalim nang maramdaman ko ang sakit na pumipilit sa aking damdamin. It's okay, Yves. Just like you, he needs time. Tanging ngiti na lamang ang inalay ko sa mga kaibigan niya bago yumuko at dumiretso na sa pag-alis.


You were the one who chose this. Bear with the pain.


Nang makarating sa aking unit ay tumingin ako sandali sa pintuan ng unit ni Clyde. Mukhang hindi pa siya nakakauwi kaya pinili ko na pumasok na. Kailangan ko na siyang makausap bukas o kahit mamaya.


Ang tanong Yves, sigurado ka na ba? Ano naman ang sasabihin mo sa kaniya? Binagsak ko ang aking sarili sa couch at pumikit. I need to finish my plates. Baka kulangin ako ng oras bukas na iyon.


Dumaan ang oras na nakatitig lang ako sa gawa ko at sa draft na ginawa ko kanina sa coffee shop. Hindi ko maintindihan. Gusto ko na lang ipukpok ang mukha ko sa lamesa. Pinili ko na magtimpla na lang muna ng kape at tumambay sa balkonahe upang magpahangin.


You need to focus, Yves! Focus!


--


"Hey, Yves! Wake up!" Agad akong napadilat nang maramdaman ko ang malakas na pagyugyog sa akin ni Kaye. Napatingin ako sa kaniya ng may gulat sa aking mga mata. Mabilis ding tumitibok ang aking puso dahil sa biglang pagkagising.


"Why? Is there a problem?" Kabado akong tanong sa kaniya. She looked at me with horror in her face like she can't believe what I have done. Lalo akong kinabahan.

VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon