Misaki POV
Kahit hindi ko maigalaw ang mga paa ko, pinilit ko pa ding umalis sa lugar na yun.. ang sakit parang dinudurog ang puso ko.. pakiramdam ko biglang nawalan ng buhay ang mundo ko.. takbo lang ako ng takbo na hindi ko na lang kung san ako mapadpad ang gusto ko lang makalayo..
Jirou POV
Andito ako ngayon sa office ko sa school, hindi na ako nakapag paalam kay wifey kasi nakita kong tulog na tulog siya kaya kay Nadine na lang ako nagsabi na paghinanap ako ni wifey sabihin na sa school ako.. sandali lang dapat ako dito pero sabi nung secretary ko may mga papers daw akong kailangan pirmahan kaya natagalan ako.. ilang oras ang lumipas at natapos na ako papaalis na sana ako kaso bigla naman dumating tong coleen na to.. psh! Kelan ba ako titigilan nito..
“Bakit ka andito?” malamig kong tanong sakanya..
“to see you.. I love you jirou, iwan mo na siya ako na lang di ba ako naman talaga ang fiancé mo?” sabi niya sakin.. ayoko sakanya.. si saki lang gusto ko kaya kahit anong gawin niya si saki lang hindi ako sumagot at lalakad n asana palabas pero nagulat ako ng bigla niya akong halikan.. hindi ako tumutugon sa halik niya at natulak ko siya..
“Ano ba??!! Hindi ka ba talaga titigil huh?!! Mahirap bang intindihin na ayoko sayo” nakita ko siyang napaiyak at wala akong pakialam kaya lumakad na ako palabas pero nagtaka ako kung bakit nakabukas ang pintuan na alam kong nakasara naman kanina at napatingin ako sa sahig at may nakitang parang papel pero maliit lang kaya tinignan ko to nung una nagtataka pa ako pero may nabasa ako na naka lagay na ultrasound at may pangalan ni wifey?? Ibig sabihin andito siya kanina??? Nakita niyang hinalikan ako nitong babae na to..
Lumapit ako sa secretary ko para tanungin siya at halata sa mukha niya na kinakabahan siya..
“S-sir kung tatanungin niyo po kung andito si Ms. Ferrer kanina, opo andito siya kanina at nagtatakbo din po siya palabas na umiiyak” sabi niya sakin bago pa ako makapagtanong.. hindi na ako nag sabi pa ng kung ano ano at nagmadaling lumabas para hanapin ang wifey ko.. pero hindi ko siya nakita.. sh*t asan yun.. agad ako pumunta sa secret place niya pero wala din siya at nagpunta pa ako kung san san pero hindi ko siya mahanap.. umuwi ako ng bahay baka umuwi na siya..
Misaki POV
Andito lang ako sa isang park na hindi ko alam kung saan basta malapit lang to sa bahay nila nami.. nag iisip ako kung anong dapat kong gawin.. dapat ba akong umuwi at pakinggan ang paliwanag niya o magpakalayo layo na lang para hindi na makagulo pa pero pano ang baby ko??.. ilang oras ang lumipas at nakapagdesisyon ako na pupunta sa America at magbagong buhay.. bubuhayin ko ang baby ko..
“baby kapit lang huh.. ako bahala sayo..kaya natin to” tumayo ako at naglakad sa sakayan ng taxi at nagpahatid sa bahay ko dun sa talagang tirahan ko at kinuha ko ang mga papers na kakailangan ko para sa papunta sa ibang bansa..may visa naman na ako dahil last year dapat kukunin na ako ng tita ko kaso tumanggi ako bandang huli.. kumuha na din ako ng dapat at lumabas na ng bahay at nagpunta ako sa bangko para kunin lahat ng pera ko.. kasya to para sa pagpapanganak ko pati na din sa iba ko pang kailangan pero hindi sapat para mabuhay kami ni baby ng matagal kaya maghahanap na lang ako ng work..
Agad akong nagpunta sa airport at bumili ng ticket.. medjo mahal pa kasi hindi ako nakapag pabook agad..4 hrs pa bago ang flight ko kaya nag antay muna ako.. mabilis lang lumipas ang oras at 1 hr na lang bago ang flight ko kaya nag check in na ako.. hindi man ako makapagpaalam kay rou pero kahit man lang sa iba makapagpaalam ako.. meron pa akong 45 mins para magawa yun.. kaya nag umpisa na akong tawagan sila.. una kong tinawagan sila haru at nami.. naka conference kaya mabilis lang to..
BINABASA MO ANG
White Blood Prince's and Ms. Lonely
Romance(currently editing each chapters) 5 years old ng iniwan ako ng first love ko.. 10 years old ng bawiin ng dyos ang magulang ko.. Ano pang silbi ng buhay ko kung ang mga taong mahahalaga sakin ay iniiwan ako.. hanggang sa onti onti ko ng dinidistansya...