Nadine pov
Nagulat akong makita si shin dito sa hospital na hindi ko alam baka may dinalaw lang siya.. Hanggat maari ayaw ko siyang makita pag katapos ng nangyari 1yr ago.. Ayoko ng magtiwala sakanya pa at ayoko na din umasa pa na magkakaroon pa ng kami.. Hindi ko siya pinansin at nagdiretcho palabas ng hospital para bumili ng pagkain pero bago ako tuluyang umalis sa hospital naghanap muna ako mauupuan dahil pakiramdam ko any time matutumba ako, bumalik na naman yung sakit na naramdaman ko 1 yr ago..
*flashback*
Papunta ako sa tambayan nila kuya para kamustahin at dalan na din siya ng pagkain sigurado ako nakalimutan na naman nun na lunch na dahil sa kakaisip kay ate saki, habang naglalakad ako may narinig akong nag uusap at parang pamilyar sakin ang boses ng lalaking nagsasalita..kaya hinanap ko ang nagsasalita at nagulat ako sa nakita ko.. Si shin na may kasamang babae.. Magkaharap silang dalawa at naka sabit ang dalawang braso nung babae sa batok ni shin..
"Hey baby, you want to go my place?" Tanong nung babaeng malandi.. Hindi pa nagsasalita si shin ay bigla naman hinalikan siya ng babae.. Hindi ko alam pero ang sakit parang may tumutusok na karayum sa puso ko.. Hindi ko magalaw ang mga paa ko at patuloy pa din ang pag agos ng mga luha ko..
Kumuha ako ng lakas para makaalis sa lugar na yun at sa kasamaang palad sa pag atras ko may nasagi akong paso na dahilan ng paglingon nila sakin.. Kita kong nagulat si shin pero bago pa siya nakalapit tumakbo na ako at hindi ko alam na dinala na ako ng mga paa ko sa tambayan nila kuya at hinanap ko siya.. Iyak lang ako ng iyak nun..
*end of flashback*
Naramdaman ko na lang na may nag aabot sakin ng panyo at pagtingala ko nakita ko siya.. Kahit mahirap pinilit ko pa din tumayo at maglakad pero hahakbang palang akong ng bigla niya akong niyakap.. Hindi ako makagalaw at naistatwa na lang sa kinakayuan ko..
"Nadine please listen to my explanation" sabi niya sakin..
"Wala ka naman dapat ipagpaliwanag dahil kung tungkol pa din to sa nangyari 1yr ago ok na yun sakin dahil wala naman tayo nun at hanggang ngayon wala pa din naman tayo at hindi na magkakaroon ng tayo.."
Shin Pov
Andito ako ngayon sa hospital at dadalawin ko yung kapatid ng mama ko so bali tita ko siya habang naglalakad ako may nabunggo akong babae.. Nagulat ako nung nakita ko siya.. 1yr ako nung nagkagulo kami at simula nun iniwasan niya na ako pati si jirou nun nagalit sakin at sinabihan na wag na daw ako lalapit kay nadine bigla naman nagbalik ang lahat ng nangyari 1 yr ago
*flashback*
Hinahanap ko si nadine kasi gusto ko na siyang ligawan at humingi ng permiso kung papayag na ba siya, aba hoy maganda siya at baka may makauna pa sakin matagal tagal ko na siyang inantay noh at ito na ang tamang panahon pero habang hinahanap ko siya bigla naman may humarang sa harapan ko na babaeng kahit kelan hindi ko magugustuhan o kahit patulan man lang kahit isang araw lang.. Blangko lang akong nakatingin lang sakanya at aba ang babaeng to hindi na nahiya, tsk! Hinayaan ko lang muna siya at mamaya siya sakin pagkatapos ng palabas niya..
"Hey baby? You want to go my place?" Malanding sabi niya sakin sasagot palang ako pero bigla niya akong hinalikan at sa gulat ko hindi ko siya naitulak man lang hanggang sa may narinig na lang akong parang nasagi o nabasag ata at paglingon ko nakita ko si nadine na umiiyak at tumakbo.. Sh*t! Kaya agad kong tinulak yung babae at sinampal siya.. Hinabol ko si nadine na nakarating na sa tambayan..
Agad agad akong pumasok at sumalubong sakin ang napalakas na kamao ni jirou..
"D*mn it! Shin sinabi ko na sayong wag mong sasaktan ang kapatid ko! May paapaalam ka pa sakin na liligawan mo ang kapatid ko pero ngayon pa lang nagsisisi na akong pumayag sa gusto mo dahil ngayon pa lang pinapaiyak mo na siya.. Don't touch her anymore! I won't allow you to hurt my sister!" Galit na galit na sabi niya sakin..
"Jirou, pakinggan---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko dahil sumabat na siya na ngayon ay buhat buhay na si nadine..
"Don't go near her again or else i will kill you even if you are my friend!" Sabi niya sabay alis kaya wala na din ako nagawa nun..
*end of flashback*
Ilang months din nagalit sakin si jirou pero hindi rin ako natiis ng loko at naging ok na din kami pero si nadine todo iwas na sakin simula nun nakapag pagpaliwanag na din naman ako at katunayan niyan hinanap ko yung babae at sapilitan na hinarap kay jirou at siya na mismo nagpatunay na wala talaga kaming koneksyon at hindi magkakilala.. Natauhan naman ako nung napansin kong wala na siya sa harap ko kaya agad ko siyang hinanap at hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko siyang nakaupo at umiiyak na parang tulala kaya hindi na ako nagdalawang isip at nilapitan ko siya at inabutan ng panyo..
Nakita ko naman na tumingin siya sakin pero hindi niya ako pinansin at nagdirediretcho lang siya tumayo at maglalakad na sana kaso nga lang mabilis ko siyang niyakap at naramdaman kong napatigil din siya..
"Nadine please listen to my explanation" sabi ko sakanya.. Lahat gagawin ko para lang sakanya at maibalik namin yung dating kami.. Mahal na mahal ko siya..
"Wala ka naman dapat ipagpaliwanag dahil kung tungkol pa din to sa nangyari 1yr ago ok na yun sakin dahil wala naman tayo nun at hanggang ngayon wala pa din naman tayo at hindi na magkakaroon ng tayo" sabi niya at tagos sa puso ko ang sinabi niya, masakit pero hindi ako susuko..
"Please listen to me and give me another chance" naramdaman kong napabunting hininga siya ng malalim kaya nagpatuloy lang ako..
"That day hindi ko talaga kilala yung babae siya lang kusang lumapit sakin, hinahanap kita nun nung hinarang niya ako.. Ipinaliwanag ko na kay jirou to kung di ka maniniwala sakin ngayon pwede ko ulit hanapin yung babae para magpaliwanag siya sayo kung nagawa ko nun na hanapin siya para maiclear kay jirou ang lahat para mapatawad niya ako kaya ko ulit gawin yun para mapatawad mo ko.. Please give me another chance nadine" sabi ko sakanya.. Naka ilang buntong hininga siya saka kumalas sa pagkakayakap ko at ako naman lumuhod na ako sakanya kaya pagkaharap naka luhod na ako..
"Bakit hindi mo siya tinulak o umiwas man lang sakanya? Ang sakit shin akala ko nagkakaintindihan tayo at magaantayan tayo pero bakit ganito ang pinaparamdam mo sakin ang sakit" sabi niya at may mga luha na naman pumapatak sa mata niya..
"Nagulat ako sa ginawa niya, nasampal ko pa siya nung nakita kitang tumatakbo habang umiiyak.. Sorry nadine please forgive me and give another chance to prove my love to you" sabi ko sakany.. Nakarinig naman kami ng mga salita sa paligid dahil madami pa palang nanonood samin pero wala akong pakealam basta mapatawad niya lang ako..
"Tumayo ka na dyan.. Isa pang sakit na ibigay mo sakin ipapapatay na talaga kita kay kuya.. Please shin don't hurt me again.. Wag mo na sayangin ang pagmamahal ko sayo pero hoy ligawan ko muna ako" sabi niya at nakarinig kami ng hiyawan at ako nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya kaya napatayo ako at niyakap siya ng mahigpit..
"Wwoooo bati na sila!"
"Bagay kayong dalawa ate at kuya"
Mga hiyawan na naririnig namin na ikinapula ng mga pisngi ni nadine kaya humiwalay na ako sa yakap sakanya at hinawakan ko siya sa kamay at lumabas kami ng hospital.. Teka bakit nga pala siya andito..
"Nadine" tawag ko sakanya..
"Hmmm" tanginh sagot niya lang niya sakin
"Can i court you" hahaha mamaya na yung sa hospital thing
"Hmmmm? Ask kuya first" sabi niya na para bang pagpumayag si kuya edi go na ako.. Hahahaha yes! Madali na lang to..
"Hmmm ok (^_____^) saan ba siya ngayon?" Bigla naman siya napahino sa paglalakad namin..
"Shock! Shin si kuya pala babalikan ko pa sila dun bibili lang ako ng pagkain eh! Ikaw naman kasi" sabi niya sabay hatak sakin at nag usisa na ako kung anong nangyari.. Nagulat ako nung bumalik na si saki pero mas nagulat naman ako nung nalaman kong siya yung naka confine ngayon sa hospital..
BINABASA MO ANG
White Blood Prince's and Ms. Lonely
Storie d'amore(currently editing each chapters) 5 years old ng iniwan ako ng first love ko.. 10 years old ng bawiin ng dyos ang magulang ko.. Ano pang silbi ng buhay ko kung ang mga taong mahahalaga sakin ay iniiwan ako.. hanggang sa onti onti ko ng dinidistansya...