"Malandi ka! Nagpapalaway ka pa sa may asawa na! Hindi ka na nahiya! Nakakadiri ka! Kaya tantanan mo ang asawa ko!" nanggagalaiti sigaw sa kanya ng babae ng sugurin siya nito sa pinagtatrabuhan niya Club.
Panay lang ang buntong-hininga niya at walang emosyon na nakatingin lamang sa babae na pinagbibintangan siya na kumakabit sa asawa nito.
Hindi ito ang unang beses na may babae sumugod sa kanya mapagirlfriend man o asawa ng mga lalaki na nagiging costumer niya.
She's a waitress,okay? Hindi siya prostitute! Putang*** lang nagtatarabaho lang siya rito para mabuhay hindi para magpagamit para mabuhay.
Bullshit! She's still a virgin!
"Ano?! Malandi ka! Pokpok!!"
Doon na nagpanting ang tainga niya. Ayaw niya sa lahat ang sinasabihan siyang pokpok o kaya naman isang puta dahil hindi niya kasalanan na mapunta sa ganito trabaho ang maging waitress sa bwiset na lugar na ito. Hindi rin niya kasalanan kung maganda siya at nahuhumaling sa kanya ang mga karelasyong lalaki ng mga ito.
"Ma'am..waitress lang po ako dito,wala po ako inientertain na kahit sinong kostyumer na lalaki rito..kung meron man kinahuhumalingan ang asawa niyo hindi ho ako yun.." kalmante niya saad pero sobra lamig ng tono niya.
Mapang-insulto na hinagod siya nito ng tingin mula sa kanya ulo hanggang paa. Disente naman ang suot niyang uniporme kahit may pagkamaikli ang skirt na suot niya ay bumawi naman sa pantaas dahiL nakalongsleeve siya na pinatungan ng pulang chaleco.
"Siguro nga waitress ka dito sa loob eh malay ko ba kung ano ka sa paglabas mo dito?" panunuya nito sa kanya.
"Alam mo Ma'am..subukan mo kaya mag-ayos-ayos paminsan-minsan at magdiet baka dahil diyan sa itsura mo kaya naghahanap ng iba ang asawa mong hindi loyal sa asawa!" tiim-bagang niya sagot.
Tangka susugurin siya ng babae nang agad naman pumagitan ang mga bouncer nila.
Kanina pa sila pinapanuod ng mga tao kaya wala na siyang pake kung mapahiya siya basta ilalaban niya ang kainosentihan niya.
Hinila ng mga ito ang babaeng galit na galit pa din.
"Lyn!"
Marahas siyang napapihit sa tumawag sa kanya. Ang boss nila.
Patay na!
"Madam.." usal niya.
Bumalik na ulit sa kasiyahan ang mga costumer nila.
"In my office now!" mariin nitong saad.
"Ano na naman ba ito?!" agad na sita nito sa kanya pagkapasok niya sa opisina nito.
"Madam..gaya ng dati.." sabi niya.
Marahas na napabuga ng hangin ang may-ari.
Bigla nagring ang telepono nito. Nanatili siya nakatayo sa harap ng desk nito.
"Hello? What?! Baliw ba siya? Walang illegal na nangyayari dito ha?! Bwiset! Sige kakausapin ko yan!"
Marahas na bumaling sa kanya ang boss nila.
"May kapatid daw na tagamedia ang babae iyun,Lyn..I have to fired you now..this is my business ..ito lang ang kinabubuhay ko..siguro nga hindi ka nararapat sa lugar na ito.."
Naipikit niya ang mga mata at marahas na bumuga ng bigong hininga.
"Ito ang sahod mo ngayon buwan..pasensya na.." pagbigay nito sa kanya ng pera.
Mapait na ngumiti siya na inabot niya ang anim na libong sahod.
Bakit ba ang saklap ng kapalaran niya?
BINABASA MO ANG
Prince of Violet Wolves Series 9 : DOMINEKK DARIUZ by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince #Violetwolf #Romance #Mate