CHAPTER 16

6.6K 216 2
                                    

Pinipilit niya na sumeryoso sa kabila na gusto niya ngumisi at maamused.

Nasa tabi niya ang dalaga at akbay-akbay nya ito. Tahimik lang ito nakahalukipkip sa tabi niya.

Maang pa rin nakatingin sa kanila si Clarisse ang makulit na stalker niya.

He sighed. Sana naman tantanan na siya nito. Ngayon kasama na niya ang babae itinakda sa kanya kailangan wala ng ibang involve sa kanila kahit na hindi naman sila ng dalaga.

"Imposible! Pumatol ka sa waitress na yan?!"natauhan nito saad.

Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito kay Lyn.

Pinisil niya ang balikat ng dalaga.

"Clarisse,wag mo pagsalitaan ng ganyan ang girlfriend ko..wala naman problema kung isa lang siya waitress dito.." saad niya at sumulyap sa dalaga.

Sumulyap din ito sa kanya at agad din nagbawi ng tingin.

"Hindi! Gusto mo lang ako pagtabuyan,hindi uubra sakin yang gimik niyo! Ikaw,papatol sa serbidora na yan!" galit nito sabi.

Naramdaman  niya ang pagbuntong-hininga ni Lyn. Alam niya nagpipigil lang ito na hindi patulan si Clarisse.

"Clarisse,enough..I told you,hindi ko kaya ibalik sayo ang damdamin mo para sakin.." matiim niya saad.

"Why don't you give me a chance? Galit ka ba sakin dahiL sa mga ginawa ko noon sa mga babae lumalapit sayo? I'm sorry,mahal lang talaga kita kasi.." naluluha na nito saad.

Marahas siya bumuga ng hangin.

"Pero alam mo na simula pa lang wala ako maibibigay sayo.."

Tumalim ang mga mata nito na bumaling kay Lyn.

"Ikaw! Ahas ka! Mang-aagaw!" galaiti nito sigaw.

Kumilos ang dalaga sa gilid niya at huli na para mapigilan niya ito. Hinarap nito si Clarisse.

"Alam mo,Miss..ang mga babae hindi naghahabol sa lalaki..tayo ang dapat nila hinahabol.."

Napangisi siya sa sinabi nito.

"Bata ka pa naman at maganda makakahanap ka pa ng mas hot at ng mas gwapo kaysa kay Dominekk.."

Natigilan siya sa sinabi nito. Hot? Kung ganun tama ang hinala niya na siya ang hot na tinutukoy nito kanina umaga.

Lalo lang nagdiwang ang kalooban niya.

"Hindi! Sya lang ang gusto ko! Ang mahal ko!" singhal ni Clarisse dito.

Bored na bumuga ng hangin ang dalaga at bumaling sa kanya. Lumapit ito sa kanya at muli tumingin sa gawi ni Clarisse.

"Pasensya na,Miss..pero hindi ako nagsishare ng pag-aaari ko.." anito.

Nahigit niya ang hininga sa sinabi ng dalaga.

He's stunned. Kaya hindi niya napaghandaan ang sunod na ginawa ng dalaga.

Inabot nito ang batok niya at hinila ng kaunti palapit sa mukha nito.

He hissed when their lips meet. The fire ignite inside his body.

Ipipikit na sana niya ang mga mata at tutugon sa halik nito ng bigla nito putulin ang halik.

Mabilis na nag-iwas ito ng paningin. Bumaling ito sa babae na nanlalaki ang mga mata sa kanila.

"Pwede bang iwan mo muna kami? May gagawin lang kami.."

Nagsimula ng tumaas-baba ang dibdib niya dahiL sa mainit na tensyon sa pagitan nila ng dalaga.

Fucking shit! I'm so arouse now!

Prince of Violet Wolves Series 9 : DOMINEKK DARIUZ by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon