Wala naman sa rest room ang binata.
Wala naman siyang celpon kaya paano niya ito makokontak ? Agad na sumunod siya rito para tingnan ang nangyayari rito.
Kaso ilang lalaki na ang pumapasok at lumalabas dun hindi pa rin ito lumalabas. Pinagtitinginan na nga siya ng mga lalaki roon.
Baka naman umuwi na siya! Pagkatapos niya ko sundan iiwan din pala ako!
Mukhang hindi maganda pakiramdam niya kaya umuwi na..anang ng mabait niyang isip
Right,iniwan na siguro siya..kontra niya.
Dismayado na umalis na siya roon.
Makauwi na nga lang din.
Madilim na nang makalabas siya sa mall.
Papara sana siya mg taxi nang bigla may huminto kotse na kulay violet sa harapan niya.
Hindi na basag ang salamin niyun pero malakas ang kutob niya na kilala niya ang may-ari niyun.
Hindi nga siya nagkamali nang bumukas ang pinto sa may passenger seat at makita kung sino ang nasa driver side.
It's Dominekk.
"Hop in!" utos nito.
Sumakay na lang siya kaysa umarte pa siya atlis hindi naman talaga siya iniwan nito.
Wala silang kibuan habang pauwi.
Tahimik siya at tahimik din ito.
Gusto niya magtanong kung ano ba talaga ang nangyayari dito pero hindi niya masabi.
Hindi naman sila para pakielaman niya ito.
Maya-maya pa ay bigla siyang napapitlag ng hawakan nito ang kamay niyang nakakuyom.
Marahas siyang napalingon rito. Matiim pala ito nakatingin sa kanya.
Naipit sila sa trapik kaya hindi niya inaasahan na gagawin iyun ng binata.
Malakas ang kabog ng dibdib niya.
"B-bakit?" anas niya rito.
Imbes na sagutin siya nito hinila nito ang kamay niya at nahila siya palapit rito.
Nahigit niya ang hininga ng lumapat ang bibig nito sa kanya.
Mariin iyun pero hindi sa paraan na nasasaktan siya.
Gumalaw ang bibig nito sa ibabaw ng kanya. Napaawang ang bibig niya ng hagurin ng dila nito ang pang-ibaba labi niya.
Doon nito sinamantala ang pagkakataon. Ibinaon nito sa loob ng bibig niya ang dila nito at napaungol siya sa bibig nito dahil sa kapusukan nito.
Wala na siya sa tamang katinuan dahil sabi nga niya magaling humalik ang lalaki at nakakawala talaga sa katinuan.
She respond to his kisses.
Inaangkin nito ang kanyang bibig na tila matagal na nito hinahangad na matikman.
She moaned. Napahaplos siya sa dibdib nito.. and he groaned, it's almost growl like a wild beast.
Nabalot nang mainit na tensyon ang loob ng kotse at bigla iyun lumamig ng mapukaw sila nang malakas na busina mula sa likuran nila.
Napamura ang binata at mabilis na pinausad ang kotse.
Imbes na mapahiya o mailang natawa na lang siya.
Nalingunan siya ng binata at napangiti na lang din ito sa nangyari.
Alright,that was so intense!
BINABASA MO ANG
Prince of Violet Wolves Series 9 : DOMINEKK DARIUZ by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince #Violetwolf #Romance #Mate