Lalo pang naging maalab ang damdamin ni Lyn para sa binata.
May pagkakataon na nagtatalo sila nito lalo na kapag nakikita siya ng binata na may kinakausap na lalaki na costumer nila. May pagkakataon pa nga na muntik na ito manapak ng isang costumer kung hindi lang nila ni Dion na naawat agad ang binata.
She sighed. Mas lalo naging possessive ang binata sa kanya.
"Dominekk.." tawag niya rito ng tuloy-tuloy lang pumasok sa kabahayan.
May muntik na naman ito masaktan kanina sa Bar.
Marahas siyang napabuga ng hangin.
Alright,hindi ito ang gusto niya takbo ng relasyon nila.
Hindi din niya gusto nakikita ganito ang binata.
Nakakainis ang pagiging possessive nito pero espesyal ang pakiramdam niya sa tuwing ganun ang binata.
Nanatili walang imik ang binata at tuloy-tuloy na tinungo ang kinaroroonan ng mga alak.
Nagsalin ito ng alak sa baso.
Tiim-bagang nito sinaid ang laman ng alak sa baso.
"Alright,hindi na ko magtatrabaho dun tulad ng gusto mo.."
Napatingin ito sa kanya at tinatantiya kung totoo ba na pumapayag na siya roon.
"Hindi ko gusto na napipilitan ka lang,Lyn dahil iyun ang gusto ko.."
Napabuntong-hininga siya.
"Ayos lang..I'm sorry kung nasasakal ka sa pinaggagawa ko.."
Muli ito nagsalin ng alak bago pa man nito iyun mainom pinigilan na niya ito. Natigilan ito at gulat na napatingin sa kanya ang binata.
Kinuha niya ang baso rito at mabilis na sinaid niya ang alak.
"Lyn.."
Pabagsak niya nilapag ang baso na wala ng laman.
Ugh! Ang pait ng lasa!
"Makinig ka sakin.."
"Oo..nakakasakal ang ginagawa mong iyun..Ikaw ang lagi kumokontrol satin dalawa!" mariin niyang saad.
Maang lang ito nakatitig sa kanya.
Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib.
"Pero hindi.. Masarap yun sa pakiramdam ko..espesyal ang pakiramdam ko kapag ganun ka!"
Ipinikit niya ang mga mata at sasabihin na niya ang dapat niya sabihin sa tunay niya damdamin .
"Mahal kita! Pero ayokong maging barumbado ka dahiL sakin.."
Napatitig siya sa binata. Nakaawang na ang bibig nito at hindi pagkapaniwala ang nasa mukha nito.
"M-mahal mo ako?"
She sighed.
"Oo..mahal kita..kasalanan mo yun at nag-aasume din ako na ma---"
Naputol na ang sasabihin niya ng siilin na siya nito ng halik.
Ilang minuto sila nagsalo sa isang halik.
"Mahal din kita.." hingal nito saad.
"T-totoo?"hindi makapaniwala saad niya.
Makikita sa mga mata ng binata na sinsero ito.
" Yes,mahal din kita...mahal kita.."matiim nito saad.
BINABASA MO ANG
Prince of Violet Wolves Series 9 : DOMINEKK DARIUZ by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince #Violetwolf #Romance #Mate