CHAPTER 12

6.9K 186 6
                                    

Mula sa salamin dingding pinagmamasdan niya ang bawat galaw ng dalaga. Nakaagapay dito si Dion. Nakangiti ang dalaga habang siniserve-an ang isang grupo ng mga babae.

Lyn is look friendly with them.

May ngiti sa mga labi na sumimsim siya sa kanya paboritong alak.

Ang lasang ubas na mamahaling alak.

Natigilan siya nang makita na lumingon sa gawi niya ang dalaga.

Nakatitig ito at tila inaaninag ang kinaroroonan niya.

He smile at her even she can't see him.

That woman on her violet waitress uniform is his mate.

Ang babae na hinintay niya sa buong buhay niya sa mundong ito.

Ipinilig nito ang ulo at tinungo nito ang bar counter.

Makakatulong ba ang pang-aakit niya dito para hindi ito lumayo sa kanya?

Kung aakitin niya ba ito magugustuhan ba siya nito?

Gaano kagusto? Alingawngaw ng kanya wolf.

Hindi ko alam,wolf. Alam mo ito ang unang beses na hinahabol natin ang isang babae.

Nakikini-kinita na niya ang pagtango ng kanya wolf.

Alas nueve ang out niya. Ilang gabi na din ang lumipas na inienjoy niya ang pagtatrabaho sa D's Bar. Pulos galing sa mayayaman ang kanila mga parokyano. Malaking tips ang natatanggap niya.Nakakatuwa isipin na pwede din pala siya makihalubilo sa mga ito na hindi marumi ang tingin sa iyo.

Nahinto siya sa pagpasok sa kabahayan ng may madatnan siya isang hindi pamilyar na bulto. Nakatalikod ito sa kanya.

Ang sabi nito wala daw ibang nakakapasok sa bahay nito eh sino ang lalaki ito na nakaharap sa may swimming pool area.

Tila naramdaman nito ang presensya niya kaya nilingon siya nito.

Natigilan siya ng masilayan ang mukha nito. Isang makalaglag panty na kaguwapuhan nito.

Ngumisi ito. Lumapit ito sa kinaroroonan niya.

"Hello,Lyn.." friendly nito saad.

Nagsalubong ang kilay niya ng sambitin nito ang pangalan niya.

Bumaba ang tingin nito sa may kanan dibdib niya.

Oo nga pala,suot pa pala ang uniform niya at may nameplate doon kung saan nakalagay ang pangalan niya.

"Hi,Lyn..I'm Zei!" nakangiti nito nilahad ang kamay sa kanya.

Masyadong intense ang kulay brown mga mata nito na kung makatitig parang binabasa nito kung ano ang nasa isip ng kaharap nito.

Atubili inabot niya iyun at nakipagkamay.

"Kaibigan ako ng Kamahalan,I mean ni Dominekk.." nakangisi nito saad.

Tumango siya. "Ganun ba,uhm,wala pa eh,nasa bar pa siya.."

Tumango ito. "Oo nga,doon ko na pala siya dapat pinuntahan!" anito at sinabayan pa ng pagkamot sa ulo.

He's handsome but cute at the sametime pwede pala yun pagsabayin.

"Hindi bale,doon ko na lang siya puntahan.." anito.

"Uhm,okay.." sagot.

"Anyway,iiwan ko ito. " anito na tinuro ang isang kulay ginto na bote.

"It's a special gift to both of you.." anito na binuntutan pa ng pagkindat.

Bago pa man siya makareak tinalikuran na siya nito.

Ano daw? Special gift para sa kanila? Nino? Nila ng Sir Dominekk niya?

Tinapunan niya ng tingin ang bote.

Dinampot niya yun.

Ilalagay na lang niya ito sa ibang wine na nasa sa itaas ng bahay.

May kakaiba sa bote para siya nun inaakit na tikman ang laman nun.

Mariin siya umiling. Hindi,baka madagdagan lang ang pagkakasala niya sa lalaki at lalo lang sya hindi makaalis sa buhay nito na ininvade daw niya.

Tss,as if naman na hindi rin niya ginulo ang buhay ko.

Prince of Violet Wolves Series 9 : DOMINEKK DARIUZ by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon