CHAPTER 20

6.7K 168 5
                                    

Hindi siya agad nakabangon sa kama niya dahil nagdadalawa-isip siya. Hindi siya nakatuLog dahil sa nangyari.

Ramdam pa din niya ang sakit sa likod niya ng tumama siya sa pader.

Napasulyap siya sa pintuan ng silid ng binata.

She sighed. Hindi niya alam kung baba ba siya o hindi. Weekend. Wala siya duty kapag sabado at linggo ganun din ang binata kaya ayos lang na tanghaliin siya sa pagluluto pero naalala niya maglalaba pala siya.

May kaba sa dibdib niya na bumaba siya.

Dumeretso siya sa kusina at ganun na lang paggalabog ng dibdib niya ng madatnan ang binata sa kusina.

Naghahain na ito ng pagkain sa mesa.

Agad na napatingin sa kanya ang binata.

Alanganin ito ngumiti sa kanya.

Wait,mukhang ibang Dominekk na naman ata ito nasa harapan niya.

"Good morning,uhm,ako na nagluto ng almusal natin..maupo ka na.."

Ang kaba na nararamdaman niya ay napalitan ng pagtataka.

"Bipolar ka ba?" bulalas niya bigla.

Natigilan ito sa sinabi niya. He's look guilty..into something?

Nakatitig siya rito.

"I'm sorry what happen last night.." matiim nito sabi.

Litong napabuga siya ng hangin.

"Hindi ko alam kung bakit mo ginawa yun? Hindi ka naman amoy alak kagabi? Galit ka ba sakin dahiL ininom ko yung alak mo na nasa kulay ginto na bote?"saad niya at bigla nya naalala ang alak na ininom niya kagabi.

Natigilan ito. Nangunot ang noo nito at mariin ito umiling pagkaraan.

She heave a deep sighed.

"Guilty ka kaya ikaw nagluto?" pag-iiba niya ng usapan.

He sighed. "I'm really sorry.."

"Hindi mo ba sasabihin sakin kung ano nangyari?" pagbabalik niya sa tanong na iyun.

Muli hindi ito nakaimik.

"Masakit ang likod ko alam mo ba yun?"

Napatingin ito sa kanya. Mukhang guilty na talaga ito.

"I'm sorry..hindi ko sinasadya na masaktan ka kagabi.." sinsero nito saad. Kuyom-kuyom ang mga palad.

Muli niya tinitigan ang binata.

"Don't worry,Nagulat lang ako kagabi..hindi..hindi naman siguro ako dapat matakot sayo hindi ba?"

Mariin ito napapikit at umiling.

Muli ito nang-angat ng mukha sa kanya. He look different now again.

"Yes,wala ka dapat ikatakot...sakin.." mahina nito saad.

Tumango-tango siya.

"Sige,Sir...kalimutan na natin ang nangyari kagabi..at yung.."

Yung kiss?

"About the kiss..I can't forget that ." tila bigla pagbabalik nito sa dati katauhan.

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Wala na ko maalala.."

He smirk at him. Oh there,he's back again!

"Sige ba.."amuse nito saad.

Nakasimangot na umupo na siya para kumain. Bigla nabura agad ang inis niya nang makita ang isang baso gatas.

Nakita niya nakangiti na nakatingin sa kanya ang binata.

Hindi niya ito pinansin.

Prince of Violet Wolves Series 9 : DOMINEKK DARIUZ by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon