CHAPTER 19

6.5K 170 4
                                    

Tulala at wala sa sarili na nakatitig lang siya sa kisame.

Hindi niya alam kung paano siya nakarating ng silid niya.

Ang alam niya. Binuhat siya ng binata paakyat sa silid niya. Nablanko ang lahat sa kanya.

Nakakawala pala sa katinuan ang isang halik. Lalo na kung sobrang galing nang humahalik.

Naipikit niya ang kanya mga mata. Saka lang bumalik ang katinuan niya nang makarinig siya ng galabog mula sa labas ng bahay.

Agad na dinunggol siya ng kaba.

Bumangon siya sa kama. Muli umingay sa labas ng silid niya.

Anong nangyayari?!

Tinakbo niya ang pintuan at lumabas ng silid. Dumungaw siya sa may baba.

Lumingon siya sa silid ng binata. Bukas iyun. Kahit kinakabahan naglakas-loob na siya lumapit doon.

Malapit na siya sa pinto nang bigla sumulpot ang binata.

Tila huminto ang pagtibok ng kanya puso nang makita ang mukha ng binata.

Madilim at sobrang bangis niyun. He look so dangerous and murderous.Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib nito na walang saplot.

"S-Sir Do-ahh!" napatili siya ng bigla na lamang siya nito isandig sa dingding.

Nasaktan siya dahiL may kalakasan ang pagkakasandig nito sa kanya.

"D-Dominekk.." kinakabahan na niya saad.

Tila hindi siya nito kilala. Madilim pa din ang mga mata nito.

Bumilis na ang tibok ng kanya puso.

Alam niyang namumutla na siya.

Ano bang nangyayari sa kanya?

Bigla ito natauhan. Ang madilim nito mga mata ay unti-unti lumamlam.

Bumabagal na din ang paghinga nito.

Napasinghap siya ng isubsob nito ang mukha sa kanya leeg.

Naninigas siya. Hindi siya makakilos.

Tanging kabog ng dibdib niya ang naririnig niya at ang malakas na paghinga ng binata na nasa leeg pa din niya.

Humugot ito ng hininga sa leeg niya.

"I..I'm sorry..."

Doon lang siya natauhan ng paunti-unti.

"I'm sorry.."

Napakurap-kurap sya ng yakapin siya ng binata ng buong suyo.

"I'm sorry,n-nasaktan ba kita?" anas nito sa leeg niya.

Naguguluhan siya. Bakit parang hindi ito si Dominekk kanina.

Isa siyang nakakatakot na nilalang.

Unti-unti dumistansya ang lalaki sa kanya.

Iwas ang mga mata nito sa kanya.

"Did..did I hurt you?"

"B-bakit? Anong nangyayari sayo?"bulalas niya.

Humugot ito ng malalim na hininga at tinalikuran na siya.

" Pasensya na,..I'm sorry.."

Natilihan na lang siya roon. Napatitig na lang siya sa nakasarado ng pintuan ng silid nito.

Prince of Violet Wolves Series 9 : DOMINEKK DARIUZ by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon