CHAPTER 3

7.4K 212 3
                                    

Naiistress siya. Ngayon wala na siyang trabaho,saan na naman siya hahanap ng trabaho? High school lang ang natapos niya. Sa edad na dalawapu't-siyam taon gulang saan pa siya makakakuha ng matinong trabaho?

Kung sa mga malls naman over age na siya. She sighed.

Sa back door ng club siya dumaan pagkaraan niya magpalit ng uniporme. Sayang nakaisang taon na din siya sa club na ito.

Isinukbit niya ang strap ng bag niya sa kanya balikat. Malamig ang gabi kaya mabuti na lang palagi siya may baon jacket.

Dumaan siya sa eskinita.

Kabisado na niya ang daan na ito patungo sa labasan. Kaya kampante siya safe siya makakadaan doon.

Malapit na siya makalabas ng eskinita nang bigla na lamang may sumulpot na lalaki. Agad siya dinunggol ng kaba. Kinutuban na siya agad sa pagharang nito.

Mariin niya hinawakan ang kanya bag. Nasa loob nun ang sinahod niya.

"Miss..holdap 'to!" sabi nito sabay tutok sa kanya ng bitbit nitong kahoy.

"Manong,pasensya na wala ako maibibigay sayo.."

"Akina ang bag mo!" nanlilisik ang mapupula nitong mga mata.

Shit! Mukha nakadrugs pa ata ito?!

Hindi. Kung mag-isa lang ito at kahoy lang ang sandata baka malusutan niya.

Buwis-buhay na ito,yung pera nasa bag niya ang huli pag-asa niya para makasurvive ng ilang araw.

Nang mainip ang lalaki,lumapit ito sa kanya. Agad na tinadyakan niya ang nasa pagitan ng hita nito. Napauklo ang lalaki at nabitawan ang kahoy. Agad niya iyun dinampot at hinampas ang likod ng lalaki. Malakas na napadaing ang lalaki.

"Putang*** mo babae ka!" mura nito sa kanya.

Huh! Hindi porket babae ako mahina na ko! Natuto siya mabuhay na lumaban para sa sarili kaligtasan. Minsan na siya naging palaboy mula ng iwan siya ng kanya ama lasenggo kasama ang bago nito asawa at ang kanya ina naman ay isa daw Americana. Kahit pangalan ng ina hindi niya alam. Iniwan daw siya ng ina sa ama niya dahil may pamilya na pala ito sa amerika isang bawal na gabi ang naganap sa kanya mga magulang. Simula nun wala ng kasiguruduhan ang kanyang buhay.

Aambahan niya sana muli ng hampas ang lalaki nang makita ang paparating pang isang lalaki. Mukha kasamahan ito ng nangholdap sa kanya.

Mabilis na binato niya sa lalaki nakauklo ang kahoy na hawak niya at agad na tumakbo ng ubod na bilis.

"Hoy! Bumalik ka dito! Lagot ka sakin kapag naabutan kita!!!" galit na habol sa kanya ng lalaki na sumaklolo sa homuldap sa kanya. Nilingon niya ito at nakita niya hawak nito ang kahoy na binato niya sa kasama nito.

Shit! Bakit ba ang malas ko ngayon gabi?!

Patuloy pa rin sa paghabol ang lalaki sa kanya determinado na maabutan siya.

Agad na nakakita siya ng isang sasakyan na kulay violet,mamahalin kotse at sakto naman kakasakay lang din ng may-ari nun.

She open the car's door.

"Paandarin mo na! May humahabol sakin!" utos niya sa lalaki nasa driver seat.

Nakita niya patungo din ito sa sasakyan. Marahas niya nilingon ang lalaki.

"Paandarin mo na! Ano ba?!" singhal niya rito.

Nagtama ang kanila mga mata. Nakita niya ang gulat sa kulay asul na mga mata ng lalaki.

Napatili siya ng hampasin ng lalaki humahabol sa kanya ang bintana ng kotse at mabuti na lang hindi iyun tuluyan nabasag.

Doon na umandar ang kotse at mabilis na humarurot. Napapitlag siya ng tila binato pa nito ang likod ng kotse.

"Oh shit! Salamat buhay pa ko!" marahas niya bulalas.

Nilingon niya ang lalaki. Tiim-bagang ito nakatingin sa unahan .

Shit! Paano na 'to?!

"Uhm,Sorry sa kotse mo.."nasabi na lang niya.

Malakas ang kabog ng dibdib niya. Pakiramdam niya mas mapanganib ang isang ito kaysa sa dalawa lalaki kanina.

Mariin niya naipikit ang mga mata sabay suklay sa kulay mais niya buhok na natural ng kulay ng buhok niya.

" I'm sorry.."usal na lang niya sa huli.

Prince of Violet Wolves Series 9 : DOMINEKK DARIUZ by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon