Kasing-kulay na ng bahaghari ang kanyang buhay ngayon. Dati puti,itim at pula lang ngayon marami ng kulay dahil kay Dominekk na ngayon ay opisyal na kasintahan na niya.
It's very overwhelming. Dominekk is a ideal boyfriend every woman want. He's sweet,thoughtful and sometimes so possessive.
Hanggang ngayon nalulunod pa rin siya sa mainit na damdamin na mahal nila ang isa't-isa.
May oras na hindi na siya nito pinagtatrabaho sa Bar pero pinagpipilitan lang niya dahil gusto niya magkaroon ng silbi hindi bilang kasintahan lang nito.
Loveteam na sila work team pa sila.
Maraming tao ang dumagsa sa gabing iyun kaya naman walang tigil sila sa pagsiserve sa mga kostyumer nila.
Bitbit niya ang limang baso na may laman makukulay na alak na nasa tray nang bigla na lang may bumangga sa kanya.
Malakas siya napasinghap ng bumuhos iyun sa harapan niya.
"Oopps! Sorry,hindi ko sinasadya.."
Maang na napatingin siya sa babae na nasa harapan niya.
It's Clarisse! May kasama itong dalawa pang babae na mapanglait na nakatingin sa kanya.
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo,Miss waitress!"mapang-insulto sabi ng isa babae na sobrang kapal ang make up.
"Oh?! Is that girl na umahas sayo kay Dom?!" tila gulat pa ng sabi ng pangalawa babae na halatado retoke ang ilong.
Nakangisi na humalukipkip sa kanya si Clarisse. Taas-noo ito tumitig sa kanya na punong ng pang-iinsulto.
"Yes,girls..that girl! Ang babae isang hamak na waitress na lumandi sa Dominekk ko!"
"Lyn!"humahangos na paglapit ni Dion sa kanya.
"Anong na--" nanlaki ang mga mata nito nang makita ang nangyari sa uniform niya.
Agad na hinubad nito ang suot nitong jacket.
Ipanatong nito sa harapan niya.
Marahas ito humarap sa tatlong babae.
"Don't make a scene here kung ayaw niyo ipa-Ban ko kayo rito!"tiimbagang saad ng binata.
Nanlaki ang mga mata ng dalawang babae. Pero nanatili kalmante si Clarisse.
Inabot niya ang braso ni Dion.
"Okay lang,hayaan mo na sila.."
Hindi ito ang tamang oras para patulan niya ang mga ito.
"Tatanga-tanga kasi yang waitress niyo eh.." nanlilisik ang mga mata saad ni Clarisse.
"Anong sinabi mo?!" gigil na saad ni Dion.
Muli niya hinila sa braso ang binata. Pinagtitinginan na sila ng mga nasa paligid nila.
"Anong nangyayari rito?!"
Sabay-sabay sila napalingon sa nagsalitang iyun.
Agad na napatitig sa kanya ang kasintahan. Tumiim ang bagang nito nang makita ang hitsura niya. Nasa paanan niya pa ang mga bumagsak na baso at ang tray.
"Kuya Dominekk,pinagtutulungan ng tatlo iyan si Lyn!" duro ni Dion sa tatlo.
Buong kalamigan na hinarap ng kasintahan ang tatlong babae na namumutla na sa mga oras iyun.
"Why did you do that?" matiim nito saad.
"D-Dominekk..it's an accident! Kahit itanong mo pa sa kanya!" depensa ni Clarisse.
Marahas siya napabuga ng hangin.
"Umalis na kayo ngayon din..at ayaw ko na din kayo makita pa rito kahit kailan.."
Napatitig siya sa likod ng binata.
"N-no! It's not my fault! Siya nga ito tatanga-tanga eh!" galit na saad ni Clarisse.
Hinila na siya ni Dominekk palayo roon.
Naririnig pa niya ang pagwawala ng dalaga hanggang sa makapasok siya sa opisina ng binata.
BINABASA MO ANG
Prince of Violet Wolves Series 9 : DOMINEKK DARIUZ by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince #Violetwolf #Romance #Mate