Marahas na napabuga ng hangin si Lyn.
Napatingin siya sa nahiwa niya daliri. Bigla nag-init ang pakiramdam niya ng maalala ang ginawa ng binata.
Shit,tama bang isubo nito ang daliri niya?!
Marahas siya muli napabuga ng hangin. Hindi na siya komportable sa presensya nito. Bakit ganun bigla nagbago?
Baka naman kasi naaakit ka na sa kanya? Saad ng antribida niya isip.
Ang hot niya kagabi sa may swimming pool ngayon naman ang hot niya habang nasa bibig niya ang daliri mo!
"Hindi noh! Hindi siya hot!"
"Sino?"
Marahas siya napalingon sa nagsalita iyun. Kumabog ng malakas ang dibdib niya.
Nakangisi ito sa kanya.
Tumikhim siya. Relax,Lyn.
"Yung..yung kalan hindi pa siya hot.." saad niya.
Sumulyap ito sa may electric stove at may kawali naman na nakapatong dun.
Nakangisi pa rin ito tumango-tango.
"Hindi pa ata kasi naka-on kaya hindi pa siya hot.."makahulugan saad nito sabay talikod sa kanya.
Sinamaan niya ng tingin ang likuran ng lalaki.
Ugh,hinuhuli ba siya nito?!
Marahas siya bumuga ng hangin.
Kaloka siya. Sana palagi na lang kami nagtatalo hindi ganito parang nang-aakit lang siya!
Padarag na dinampot niya muli ang kutsilyo.
Wag ka muna bibigay. Baka gumaganti lang siya sayo. Katawan mo lang ang habol niya sayo!
Tiim-bagang na tinapos na niya ang paghihiwa.
"Where's Dom?"
Napalingon siya sa nagsalita iyun.
Abala siya sa pagliligpit sa mga bote na wala ng laman.
She saw a girl with her class posture.
Nakita niya ang disgusto reaksyon ng mukha ni Dion sa babae na nagtanong rito.
Malamang ito ang sinasabi ni Dion na si Clarisse.
Isang mamahalin fit na dress na kulay itim ang suot nito na pinaresan ng mataas na high heels.
Napaingos siya. Kung magsusuot din siya ng ganyan damit malamang matatalbugan niya ito.
Maganda ang hubog ng katawan niya. Matangkad na nasa tama ang lahat ng kurba ng katawan niya.
Tumingin sa kanya si Dion. Lumapit ito sa kanya at agad naman sumunod rito ang Clarisse.
May itsura naman ito pero ayaw niya sa karakas nito. Maldita ang datingan.
"Lyn!"
"Bakit?" sagot niya at nasa babae ang tingin.
Tinaasan siya ng kilay ng babae.
"Hinahanap niya si Kuya Dom.."
Bumaling siya rito. "Bakit sinasabi mo sakin?" taka niya rito.
Ngumisi ito saka bumulong sa kanya.
"Sakyan mo na lang ako.."
"Ano ba?! Ano binubulong mo sa kanya?" mataray na saad nito sa kanila.
"Uh,wala sinasabi ko na hinahanap mo si Kuya Dom.."
"Bakit siya sinasabihan mo hindi si Dom ang hanapin mo at sabihin mo sa kanya na gusto ko siya makita.." nakahalukipkip nito turan.
"Uhm,kasi..may binilin sakin si Kuya Dom.."
Bigla siya kinabahan sa balak ng lalaki.
"Kapag may naghanap sa kanya.." inakbayan siya ni Dion. "Sa kanya ko sasabihin.."
Nanlaki ang mga mata niya.
Tinaasan siya ng kilay ng babae sabay hagod ng mga mata nito sa kanya. Oh-oh! Don't me,girl!
"At bakit? Sino ba siya bukod sa isang waitress lang siya?" may pang-iinsulto nito sabi.
"Uh,kasi..girlfriend siya ni Kuya Dom.."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng lalaki.
"What?!"malakas na bulalas ng babae.
BINABASA MO ANG
Prince of Violet Wolves Series 9 : DOMINEKK DARIUZ by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince #Violetwolf #Romance #Mate