Wala ang lalaki nang dumating siya sa bahay nito. Ngayon lang din niya nakita ng maayos ang buong kabahayan. Hindi biro ang mga kagamitan. Lahat ay pumapatak sa libong-libo halaga.
Sabagay,mayaman naman siya eh.
"Sandali?"pigil niya kay Dion nang aakyat ito sa hagdanan bitbit nito ang maleta niya.
" Bakit?"
"Sa taas mo dadalhin ang maleta ko? Wala bang kwarto dito sa baba?"
"Sabi ni Kuya Dom,sa taas daw ang silid mo...saka wala siya kwarto dito sa baba.." anito at nagpatuloy na sa pag-akyat.
Alright,mukha talagang secured sa lugar na ito.
Nang makaalis si Dion,sinimulan na niya ang paglipat sa mga gamit niya sa isang closet. Malaki yun at maluwag. Bigla tuloy nahiya ang damit niya na iilan piraso lang ang meron siya.
Namangha pa siya nang pumasok siya sa banyo. Malinis at malaki din. Mas malaki pa ito sa inuupahan niyang apartment.
Ano bang kwarto ito pinagamit sa kanya? Housemaid quarters o guest room?
Nang maayos na niya ang lahat bigla siya nagutom. Saka lang niya napansin sa digital clock na nasa side table na magtatanghali na.
Agad na bumaba siya sa kusina. Naghalungkat. Puno na ng laman ang ref at ang mga cabinet. Pagkakatanda niya hindi ganun kadami ang mga laman nun kahapon na maghalungkat siya.
Natuon ang pansin niya sa isang banda ibaba ng malaking ref.
Punong-puno iyun ng gatas!
Nakangiti na dumampot siya ng isang karton ng fresh milk.
She love milk so much!
Mahilig din siguro siya uminom ng gatas?
Agad na nagsalin siya sa baso.
"Milk at lunch?"
Muntik na niya maibuga ang iniinom gatas ng magulat sa biglaan pagsasalita nito.
Marahas niya ito nilingon.
"Bakit ka ba nanggugulat?!" sikmat niya rito.
Lyn,tandaan mo,amo mo siya!
Tumikhim siya ng marealize yun.
"Uhm,pasensya na bumawas lang ako ng kaunti.." aniya.
"It's alright,those are for you.." matiim nito sabi habang nakacross ang mga braso nito sa harapan .
Bigla sumikdo ang dibdib niya.
Okay,Lyn,wala ibig sabihin yun.
Napatingin siya rito ng humakbang ito papalapit sa kanya. Bahagya siya umatras para bigyan ito ng daan pero ganun na lamang ang paninigas niya na lumapit ito sa kanya.
Nasangga siya sa center island.
"B-bakit?"kinakabahan niya sabi.
Matiim ang mga mata nito nakatitig sa mukha niya at bumaba iyun sa bibig niya.
Lalo lumakas ang kalabog ng kanya dibdib.
Hindi tuloy siya makahinga ng maayos sa sobrang lapit nito sa kanya.
Shit,naaamoy pa niya ang pabango nito.
Umangat ang kamay nito at napasinghap siya ng dumapo yun sa gilid ng kanya bibig.
He smirk. " May gatas ka sa gilid ng mga labi mo.."paanas nito saad habang masuyo nito pinahid ang gilid ng bibig niya.
"Next time hindi na daliri ko ang mag-aalis ng gatas sa gilid ng mga labi mo.." nakangisi nito sabi. His blue eyes getting dark into something.
Napalunok siya. Alam niya kung ano ang ibig sabihin nito.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata.
"Minamanyak mo ba ko?"tiim-bagang niya saad.
Bigla ito tumawa at dumistansya sa kanya. Pero kita niya ang pagdidilim ng mga asul na mata nito.
"That's why,I like you,Lyn..you make me laugh like this.."
"Hindi ako clown,Sir Dominnek.."sarcastic niya saad.
Nginisihan lang siya nito.
Bigla nagulo ang pakiramdam niya ng sabihin muli nito ang salitang I like you.
Tumikhim siya. " Anong tanghalian mo?"
"Basta masarap," sagot nito.
She sighed. "Sige,magluluto lang ako.." agad na tinalikuran niya ito.
"Nagustuhan mo ba ang kwarto mo?"
Naipikit niya ang kanya mga mata.
"Pwede naman ako sa maliit na silid lang..baka may bisita ka darating at wala ka mapagamit sa kanila.." saad niya na hindi ito nililingon. Inabala niya ang sarili sa paghahanap na pwede pangtanghalian. Pero damang-dama niya ang pagsunod ng mga mata nito sa kanya.
Just relax,Lyn.
"Hindi ako nagpapasok nang kahit sino dito sa bahay ko.."
Natigilan siya sa pagdampot sa frozen chicken.
"Ikaw pa lang ang hinayaan ko makapasok dito bukod kay Dion.."saad ulit nito.
"Ganun ba.." tangi naisagot niya.
Nilagay niya ang frozen chicken sa lababo para tunawin ang yelo.
"Chicken Adobo...okay lang sayo?" pagharap niya rito.
Nakasandig ito sa gilid ng center island.
"Hmm,matagal na kong hindi nakakakain ng lutong bahay.."
"Sige,hintayin mo na lang ako makaluto.."
Mataman ito tumango sa kanya.
BINABASA MO ANG
Prince of Violet Wolves Series 9 : DOMINEKK DARIUZ by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince #Violetwolf #Romance #Mate