Chapter XXV Finding a Job
KEYLIE'S POV
Ayoko pumirmi dito sa bahay naboboring ako gusto kong magbanat banat ng buto."Sweetie, payagan muna ako maghanap ng work"
"Sweetie ayoko mamaya mapaanak ka niyan ng wala sa oras wag ng matigas ang ulo ako na lang magttrabaho. "
"Please sweetie hmmm.. Sa clinic mo kahit assistant lang "
"Hindi ka pwede sa hospital lalo na sa kalagayan mo sweetie dito kana lang sa bahay okay.? "
"Ayoko dito hmmm.. Kukuha akong board exam magtuturo na lang ako sa mga bata. "
"Masstress ka lang dun sweetie. "
"Wala namang work na hindi nakakastress sweetie. "
"Yup.! So your not allowed to find a job kasi mastress ka lang. Kawawa ang kambal. "
"Please na sweetie. Gusto ko magturo sa mga bata gusto kong mapakiramdaman na ang parang may anak"
"Sige sige may kakausapin akong kakilala ko sa isang day care center try ko kung pwde kang iextra doon. Ayokong sa office ka puyatan doon. "
"Talaga sweetie.? Salamat.! " niyakap ko siyang mahigpit.
"Maghanda kana ng mga gamit mo kung sa bagay nagleave ang isang teacher doon ikaw na lang muna pumalit. "
"Salamat sweetie.! "
"Ingatan mo lang ang kambal ok ayokong nasstress kayo. " ang sweet naman ng boyfriend ko hehe.
"Salamat talaga sweetie..." mwuah.! Kinisan ko siya sa pisngi.
"By the way sweetie magluluto na ako ng dinner natin. "
Hmmmf... Makapagluto nga ng menudo fav. Yun ni steven lalo pag ako ang nagluto..
Nagluto na ako.. Wala pa si jhanice nasa trabaho niya pa.. Hindi pa siya nagbubukod gusto niya daw akong bantayan.
"Sweetie hihintayin ba natin si jhanice.? "
"Wag na sweetie gutom na ako eh. Bukas pala malelate ako ng uwi sweetie may medical mission kami sa cavite magiingat kayo ng kambal. Natxt kuna rin si Ms. Reyes sige daw magumpisa kana daw bukas. "
"Talaga.!? Sweetie.? Yes.! Lalo kasi akong masstress dito sa bahay eh. "
"Oo na sweetie halika na kain na tayo ang bango naman ng niluto ng sweetie ko. "
"Yes para sayo sweetie ko. " napamahal na talaga sa akin si steven at tuluyan kunang nakalimutan si tyler. Salamat na lang talaga kay steven.
Kumakain na kaming dalawa habang nanunuod ng tv.
<Flash reports>
Isang fresh college graduate ang isang successful na matapos maging top 1 sa france ang kanyang mga designs at isa rin tagapagmana ng isang company.isa rin siyang half filipino na nagngangalang si Mr. Byen Tyler Monteberde at babalik na rin sa ating bansa sa susunod na taon upang ipamalas ang kanyang talento sa pagdedesigns sa mga damit."Successful na pala ang walang hiya"
Nakasimangot na sabi ni steven."Oo nga sweetie.. Masaya na sana siya sa stado ng buhay niya. "
"Oo naman buhay binata eh mukhang pera. "
"Wag ka magjudge sweetie masaya na siya jan sa buhay niya basta sa akin hindi siya kikilalanin ng mga anak ko na ama. "
"Oo naman sweetie wala ng martyr sa panahon ngayon"
Nagbukas na ang pinto ag iniluwa nito si jhanice.
"Sorry beshy na late ako ng uwi... Ito oh prutas. " lumapit siya sakin at hinimas ang tyan ko. Mukha na tuloy rebulto ng santo ang tyan ko palagi niyang ginagawa yan pati ni steven..
"Ok lang beshy kain kana. " kinakamot ko ang tyan ko ang kati eh.
"Tigilan mo yan.! "Tinapik ni steven ang kamay ko.
"Aray bakit ba ang kati kaya.! "Pagalit kong sabi ang hirap kya kamot na kamot kana hindi mo magawa.
"Magkakakamot ka niyan papangit ang tyan mo bahala ka.! "
"Walong buwan na to kya hindi na yan. "
"Wag na matigas ang ulo. "
"Ok. " nagpout na lang ako..
"Halika dito hihimasin kuna lang yan. "Umupo ako sa lap ni steven at least nawawala yung kati sa ginagawa ni steven nakakatuwa.
"Ok na sweetie sleep na tayo magtuturo na ako bukas. "
"Sige sweetie halika na. "
"Beshy aakyat na kami ni steven ah. Ikaw na bahala jan may work na din ako bukassss...!!! "
"Talaga.? Maganda yan beshy para matagtag ka. "
"Oo nga beshy sige na tutulog na kami. " hinimas na naman ni jhanice ang tyan ko at hinalikan. Sweet na tita.
"Beshy hindi rebulto ng santo ang tyan ko pasaway ka.! "
"Eh mahal na mahal ko mga pamangkin ko eh. "
"Osha sige na good night na. "
Nagpunta na ako sa kwarto..nakahiga na si steven habang nagbabasa ng book nakaeye glasses siya medyo malabo na rin pala mata niya.
"Sweetie. Tulog na tayo tama na yan. "
"Sige sweetie halika dito. "
Nakaunan na ako sa braso ni steven hanggang sa makatulog.
------
Nagising ako ng madaling araw. Nagugutom ako. Makainum na lang ng gatas.
Bumaba na ako.
Nagtimpla na ako ng gatas at umupo sa sala manunuod muna akong tv.
*Beep *Beep
Cp ni jhanice to ah.? Naiwan niya matignan nga ang message alam ko ang password ng cp ni jhanice bestfriend eh.
[From: Insan Tyler]
Hi couz. Slr. Kamusta mag ina ko? Bantayan mo sila palagi hangga't wala pa ako miss na miss kuna sila lalo si keylie wag mong hahayaan na laging magkadikit yan sila ni steven para sa kanila tong successful ko. Ikiss mo ko palage sa kambal namin. Thank you.Huh.? Nagkakausap sila.? Kung sa bagay magpinsan kahit galit si jhanice kakausapin niya pa rin blood is thickier than water.
Dug.dug. dug.
Napangiti ako sa message na yun. No.! No.! No.! Erase.! My steven na ako. At alam niyang kambal ang anak namin.?
"Sweetie.? Ang aga mo naman nagising mamaya pa ang pasok mo. "
"Oo sweetie naggatas lang ako nagugutom ako eh"
"Sige sweetie akyat kana pag tapos mo jan ako na maglilinis niyan. "Pagpipresenta ni steven.
"Sige sweetie salamat. " pagtapos ko ay umakyat na ako.
"Good night again sweetie "at nagkiss na ako kay steven at tuluyan ng umakyat.
Nahiga na ako naaalala ko na naman ang text message ni tyler dapat hindi kuna binasa eh pero at least nalaman kong may pakialam siya sa amin ng kambal. Napangiti ako ng mapait at ipinikit ang mata ko..
----------
BINABASA MO ANG
Im In Love With A Gay
RomancePaano na lang kung ang isang mahinhin na dalaga ay mainlove sa kaibigan niyang bakla at may nangyari pa sa kanila which is one night stand ipagtatabuyan ba ni beks ang dalaga o mamahalin niya rin ang babae o mababago niya ba ang beki na ito tunghaya...