Chapter Seven.
This can't be happening..
Agad na nangilid ang luha ko. Di ko kaya.. Di ko kayang makita sila ngayon.. Not now. Wag ngayon kung kelan di pako handa.. Napayuko nalang ako sa naisip ko.
"Introduce yourselves please.." Narinig kong sambit ni miss.
"Hi I'm Angel Liano. I hope you'll be good to us." Napatingin ako kay angel. Ngiti sya nang ngiti. Tss, demonic.
"I'm Cloud." Simpleng sambit nya. Napatawa nalang ako sa isip ko. I miss his voice.. I miss the way he talk.. I miss everything about him. In short, I miss him. I should be happy kase nasa harap ko sya. Makikita ko ulit sya yung mga tawa nya. Pero hindi e. Taliwas yon sa nararamdaman ko. I admit na nalulungkot ako. Kase yung iisipin ko palang na hindi na ako ang dahilan kung bakit sya ngumingiti ngayon ay para nakong sinasaksak nang bilyong bilyong kutsilyo sa puso ko.
Hindi ko namalayan na humihikbi na pala ko. Nakakatawa talaga. Kahit kelan ang babaw ko. Pero ako to e. Hindi ko kailangang magbago para lang sa ibang tao. Para lang may masabi sila saking magaganda.
"Hey. Are you okay?" Nag aalalang sambit ni blaise. Ngayon ko lang narealize na nasakin na naman pala ulit ang kanilang atensyon. Kahit ang dalawang taong kinamumuhian ko ay nasakin na ang atensyon. Si angel na nakataas ang kilay at naka ngisi. Habang si cloud ay nakakunot lang ang noo. Tss. Kahit kelan talaga.
"Y-yeah I'm o-okay." Sambit ko. Nagulat ako nang bigla nyang punasan ang mga luha sa mata ko. Hindi ko to inaasahan. I really didn't expect it. Pero mas hindi ko inaasahan ang naiisip ko. Naiisip ko nanaman si cloud. Dati, sya lagi ang nag pupunas nang luha ko. Sya lagi ang nag papaalala sakin na 'Its okay. Everything will be okay.' Nakakatawa lang na iba na ang ginagawan nya non. At hinding hindi nya na magagawa sakin yun. Dahil may nag mamay ari na sa kanya. At hindi na ako yun.
Mas lalo lang nagpatuloy ang pag luha ko. Hindi ko alam pero, ayokong makita sila ngayon. Ayoko.
"Excuse me," Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni snow. Alam kong kahit na matapang ang damdamin nya ay ayaw nya kong nakikitang nasasaktan.
Nakatingin lang samin lahat nang nasa room. Pero wala akong pake. Nang malapit na kami kina cloud ay tumigil si snow. Ilang minuto silang nagtitigan. Alam kong galit si snow. Wala akong nagawa at sa kadahilanang ayaw ko silang makita ay yumuko nalang ako. Alam kong nakangisi na ngayon si demonic angel. The hell I care!
Nang makalabas na kami nang pinto ay bigla nalang akong binitawan ni snow. Galit sya. Oo galit talaga sya. "Ano ba naman rain? Napag usapan na natin to diba? Please lang! Nag mumukha kang tanga dahil dyan sa cloud na yan!" Parang naiinis na sambit nya sakin. Who would not be? Kainis inis naman talaga ko e. Bat ba hindi ko nalang sya makalimutan? Ang bilis kong mahulog sa kanya. Pero bakit ang hirap mag move on?
"H-hindi madali sakin. A-alam mong may pinagsamahan k-kami.." Humihikbing sambit ko.
"Exactly! Look at him nga, sya easy lang. Ikaw? Halos malosyang kana kakaisip dyan sa break up nyo. Please, makinig ka sakin kahit ngayon lang rain.. Please"
Ngayon narealize ko na. Narealize ko na mahirap ngang mag move on. Pero kailangang kayanin ko. Hinawakan ko sa kamay si snow at tinitigan sya sa mata, "Snow.. Thankyou. Thanks for everything! Kung wala ka sa buhay ko.. Di ko alam kung anong mangyayare sakin. Bestfriend talaga kita. Maraming maraming salamat. I love you.. " Bigla nalang may tumulong luha sa mata ko.
"I love you too rain. Kung hindi din dahil sayo ay baka hindi nako nabuhay. Thankyou." Nagulat ako nang bigla nya kong yakapin. At niyakap ko din naman sya. I love her so much.

BINABASA MO ANG
So Into You
Teen Fiction"Don't be afraid. Even though I am not around, I am watching. Just please babe.. Just don't be afraid." -Blaise Ethan Artemis