Chapter 27.

2 0 0
                                    

Chapter 27.

Takbo lang ako nang takbo habang hinahanap sya. Shit blaise! Nasan kana ba? Habang tumatakbo, naalala ko lahat nang dahilan kaya nagustuhan ko sya.


"Lalim nang iniisip mo ah?"

Halos mapatalon nako. Nagulat ako. Oo gulat na gulat. Ngayon ko lang napansin na pinapayungan nya ko. What the f?

"Who are you?"

"Grabe yan agad ang bumungad na tanong?" Natatawang tanong nya. Natigil lang sya nang samaan ko sya nang tingin. "Oh well, I'm Blaise. And you are?"

Tumigil ako sa paglakad at hinarap sya. Binaliko ko ang ulo ko at sinusuri ang kabuuan nya. "At sino ka naman para malaman ang pangalan ko? You know what? Wag ako ang pagtripan mo."

"Sorry okay? I don't think that pinagtitripan kita? I just want you to be my friend. Pwede ba?"

"Sorry pero, di ako nakikipag kaibigan sa di ko kilala." Maikling sagot ko.

"Then let me introduce myself!"

San ba nag mana tong posporo na to? Seriously, na didistract ako sa buhok nya. Mukha syang posporo at sisiw at the same time. Tinitigan ko yung kulay red nyang buhok. "Mukha kang posporo." Out of the blue'ng sabi ko.

"W-what?! Okay, I'll take that as a compliment." Nakangiting sambit nya. May tama ba sya sa utak? Ba't di man lang sya nagalit sa sinabe ko? Okay. May tama nga ata talaga sya.

"Wag mokong titigan. Natutunaw ako." Cool na sambit nya.  What the hell? Titigan? No! Di ko sya tinititigan ah.

"Lakas nang amats mo." Nagpatuloy nako sa paglalakad. "San dito yung room 143?" Tinanong  ko na sya. Ayoko nang maghanap. Besides, mukhang matagal na sya dito kaya okay na.

"Sabihin mo muna name mo!" Pilyong ngiti nya. Wtf? Hokage moves ba'to?

Inirapan ko nalang sya at nagsalita. "Okay then. Wag nalang,"

Agad naman syang tumawa. May nakakawa ba? Ay oo nga pala. Dat di nako magulat. May tama sya sa utak kaya ganyan.

"Okay okay. Sasamahan na kita sa room 143. Anong grade mo?"

"I'm fourth year."

"Really? So mag kaklase pala tayo," agad nanlaki ang mata ko. Kaklase ko sya srsly? Pero okay na din to. Atleast may kilala nako sa mga magiging kaklase ko.

"Tara na," agad na sabi nito sabay hawak sa kamay ko. Balak ko sanang tanggalin kaso mas lalo lang nyang hinigpitan. Whats wrong with this guys? He's getting into my nerves!


Yung first time naming mag meet? Haha, nakakatawang isipin na yung isip bata at mukhang tanga na si blaise ay nagustuhan ko. Si blaise na akala ko walang pakialam sa mundo pero mali ako. Isa papa syang gangster na kinatatakutan din. Isn't it great?


Yung panahon na nag open ako sa kanya, nakakatawa diba? Napaka bilis pang namin nag kakilala pero ang gaan na nang loob ko sa kanya kaya di nako nag alinlangan na ishare ko ang sad story nang buhay ko sa kanya.




"Can you.." Bumuntong hininga ulit muna sya bago magsalita. "Can you be my fake girlfriend? Magpapanggap lang naman tayo pagkaharap ang lolo at parents ko.. Please?"


Yung mga panahon na nanghingi sya sakin nang favor. Favor na maging fake girlfriend nya..


Nandito kami ngayon sa taas nang rooftop,  ewan ko ba kung anong ginagawa namin dito. -.-

"Blaise pwede naba tayong umuwi? Nakakaboring namam dito. Wala naman tayong ginagawa dito," sabi ko habang nakatingin sa kanya. Nakatingin lang sya sa taas, sa langit. Its already 8:34 in the evening. "Anong tinitingnan mo dyan?" Tanong ko nang makitang wala syang balak na sagutin ako.

"Tinitingnan ko lang may dadaan na shooting sta---"

"May shooting star!" Sigaw ko sabay pikit nang mata ko para mag wish.

'Sana magkaayos na kami ni lolo, pati nang mga magulang ko,'

Pagkatapos kong mag wish ay minulat ko ulit ang mata ko kasabay nang pagtulo nang luha ko. Napatingin ako kay blaise na nakatingin na din pala sakin, "Anong wi-nish mo?" Nakangiting tanong ko.

"Winish ko na sana matupad ang mga wish mo." Simpleng sambit nya habang nakatingin sakin nang nakangiti. Agad nag init ang mukha ko, whaaaaaa feel ko napaka pula na nang mukha ko ngayon!

Nakakatawang isipin na mahuhulog ako sa kaniya nang ganon kabilis. Sa ganong kabilis na panahon.

"Angel. Angel Liano. She's your girlfriend right? So why are you busy trying to save this girl from me? Are you out of your mind? Or you want me to tell this all of your shits to her?" Agad namang lumundag sa kaba ang dibdib ko. Cloud.. Say something please.

I looked at cloud, parang naguluhan agad ang mukha nya. Sh*t.

Naramdaman kong dahan dahang binitawan ni cloud ang kamay ko habang nakatungo. Ang sakit, bat ganito?

Tiningnan ko si corine. With her devilish smile.

"R-Rain.. I'm s-sorry----" Di na nya natapos ang sasabihin nang may biglang humawak sa kamay ko.

"Rain?! Fvck! Anong nangyare sayo?!" Naiinis na nagaalalang sambit ni blaise. Its him again. He's always saving me from pain.

"B-Blaise, I'm o-okay. Lets go out of here." Nakayukong sambit ko. Medyo iniangat ko ang tingin ko at nakita si cloud. Naglalakad sya palayo sakin.

"Were not done yet, bitches." Madiing sambit ni blaise habang nakatingin sa mga kaklase ko. Agad namang bumakas ang takot sa kanila.


Yung mga panahon na lagi nya kong nililigtas sa lahat nang tao na gustong manakit sakin. Lalo na kay cloud, As I've said, he's always saving me from pain. And I think I'm right.


Takbo lang ako nang takbo para hanapin si blaise. Tumigil muna ako nang madama ko ang pagod at pinunasan ang luha na kanina pa pala umaagos. Luhang masaya dahil ngayon alam ko na na si blaise ang gusto ko at luhang malungkot dahil nasasayangan ako samin ni cloud. Pero ano pa ba? Past is past.


Tatakbo na sana ako papunta sa isang hindi masyadong pinupuntahan nang mga estudyante dito na building pero may narinig akong nagsalita.


Sinilip ko yun then I saw blaise, together with ugh, who is she? Pinapanood ko lang sila nang may maramdaman akong kirot sa dibdib ko. Bat sila magkausap? Anong pinaguusapan nila?


Nakaharap si blaise sa kanya at yung babae ay sakin nakaharap, kaya nakatalikod si blaise sakin kaya di nya ko makita. Nakasandal yung babae sa pader habang nacorner sya ni blaise. What are they doing?



Nagseselos ba ko? Siguro nga, ang sweet nila diba? Gusto ko nang umalis don pero may pumipigil sakin. Bat ganito? Bakit kailangang makita ko pa to?


"I love----" Di ko na pinatapos ang sinasabi ni blaise at umalis nako don. Ayokong marinig yung sasabihin nya. Parang di kayang tanggapin nang sistema ko. Pero ano pa nga ba? Kahit na di ko marinig yun ay alam ko ang ibig sabihin nang sinasabi nila.


Ang sakit.



Madaming tumitingin saking mga tao, mga estudyante. Langya, sino ba naman di titingin sakin diba? Alam kong para kong tanga dito. Para kong tanga na naglalakad dito. E ano namang pake nila? Mind their own business. Psh.


Naglalakad ako habang nakalagay yung kaliwang kamay ko sa bulsa nang palda ko tapos yung isa nagpupunas sa luha ko. Teka, bat bako umiiyak? Eh ano naman kung nakita ko silang ganon? E ano naman kung ng 'I love you' si blaise sa kanya? Wala naman akong karapatan.

Ambagal nang paglalakad ko kaya muntik nakong madapa buti nalang may humawak sa kamay ko. Antanga ko kasi, bat ba di ako tumitingin sa dinadaanan ko? Masyadong pre-occupied yung utak ko. Ano bang nangyayare sakin?


Napatingin ako sa humawak sa kamay ko. "Klein.." Bulong ko.


****

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon