Chapter 17.

4 1 0
                                    

Chapter 17.

Halos madapa nako sa pag mamadali para mahanap si snow.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago humawak sa tuhod ko at naghahabol nang hininga.

Gusto ko mang umupo ay hindi pwede, kailangan ko syang mahanap bago pa mahuli ang lahat.

"Snow!" Takbo ako nang takbo habang sumisigaw at nagbabakasali na marinig nya ko. "Please snow, nasan kana ba?" Nanghihinang sambit ko.

Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko, agad ko itong tiningnan at nakita ko si blaise, "Pagod kana? Magpahinga ka muna, ako magpapatuloy sa pag hahanap sa kanya---"

"We'll find her." Simpleng sagot ko.

"Pero pagod kana, sarili mo naman ang aabusuhin mo!" Hindi pagsang ayon ni blaise.

"Pero problema ko to, kung ayaw mo edi wag. Basta ako? Hahanapin ko ang kaibigan ko." Seryosong sambit ko. "At kung magrereklamo kapa, mas mabuting umalis na lang ako, masasayang ang oras ko. Habang tumatagal ang oras nanganganib ang kaibigan ko," Dagdag ko pa.

"Sasamahan kita. Lets find her together." Maawtoridad na sambit nya. Agad nya kong hinawakan sa kamay at sabay na tumakbo, habang hawak nya ang kamay ko ay naguguluhan ako. Yung puso ko..

Hindi na yata normal ang takbo nang puso ko.

Masyadong mabilis. Parang hinahabol nang kabayo, bat ganito?

Kahit na naguguluhan ay itinuon ko nalang ang atensyon ko sa dinadaan namin.

"AHHH!"

Isang malakas na sigaw ang narinig namin, waring nanghihingi nang tulong. Agad kumalabog sa kaba ang dibdib ko. Napadapo ang tingin ko sa isang kwarto. Isang kwarto na kung saan nanggaling ang sigaw. At isa lang ang naiisip ko..

Snow..

Agad kong binitawan ang kamay ni blaise na kanina pang nakahawak sakin, dalidali akong nanakbo papunta sa pintuan nang kwarto.

Pinaghalong panggigigil at kaba ang dibdib ko. Panggigigil para kay kaizer, at kaba para sa kaibigan kong nahihirapan na.

Naramdaman ko naman na sumunod si blaise sakin, kahit na pagod na pagod na kaming dalawa ay hindi namin it ininda.

Isang napakalakas na sipa ang pinakawalan ko para mabuksan yung pintuan, pero wala. Hindi ito nabuksan.

Ilang ulit ko itong pinagsisipa pero wala, ayaw talaga. Nagulat ako nang hawakan ni blaise ang kamay ko, "Ako na." Kahit naguguluhan ay binigyan ko sya nang daan para sa kung ano man ang gagawin nya.

Nakita ko syang kumuha nang isang tubo at pinaghahataw sa pintuan.

Ilang sandali pa ay, malapit na itong masira kaya agad nakong nagmadali na sirain ang pintuan para mapuntahan na si snow.

Walang kahirap hirap kong sinipa ang pintuan at agad naman itong nabuksan. Pagpasok na pagpasok ko ay inilibot ko agad ang tingin ko sa buong kwarto.

Napako ang tingin ko sa isang babaeng nakaupo habang yakap yakap ang tuhod. Gusto kong maiyak sa sobrang pag aalala kay snow, gustong gusto kong maiyak nang makita ang sitwasyon nya.

"H-Help me.." Nahihirapang sambit nya habang nakatungo pa din at yakap yakap ang tuhod. Puro sugat sya, puro dugo din pero yung ibang dugo ay masyado nang natuyo. Halata ang pagpapahirap sa kanya dahil sa mga pasa na meron ang buong katawan nya.

I will surely kill all of you, bitches. Just wait for my revenge.

Agad akong lumapit sa kanya at hinarap sya sakin, "Snow.. Snow stop crying okay? Nandito na kami. Ililigtas ka na nami---"

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon