Chapter 30.

2 0 0
                                    

Chapter 30.

"Riri.. I missed you." Paulit ulit kong sambit habang nakatingin kay ride. Yes, si ride na hindi ko inaakalang si riri. Na hindi ko inakalang kababata ko pala. Siguro dahil sa sobrang dami nang nagbago sa kanya kaya di ko agad sya nakilala.

"Lele, kamusta kana?" Nakangiting sabi nya. Kumunot ang noo ko at may lungkot na makikita sa mukha ko.

"Hanggang ngayon.. Hanggang ngayon tinatakasan ko pa din lahat. Lahat nang mga problema ko.." Nakatingin sa malayong sambit ko.

Umupo si ride sa harap ko at itinaas ang mukha ko dahilan para magkapantay kami.

"Alam mong di mo matatakasan ang problemang yan.. So why don't you face your fears diba? Mas madali mong matatapos ang problemang yan kung hindi mo tatakasan." Ngiting ngiting sambit nya.

Humigit ako nang malalim na hininga.

"Ikaw riri? Kamusta kana?" Binago ko na yung topic, dahil alam kong masasaktan at masasaktan pa din ako sa lahat nang sasabihin nya. Give me some other time to think of it.

Ngumiti muna sya bago sumagot, "Student Doctor nako ngayon leigh. Unti unti ko nang naabot ang pangarap ko.." Nakangiti paring sabi nya. Umalis sya sa harapan ko at umupo sa katabi kong swing. "Umalis ako samin nang malaman ko kung nasan ka," Agad nangunot ang noo ko at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Why?"

"I want to follow you. Then yeah, nasundan kita. Gusto kong makilala mo ulit ako, I want to you to be part of my life again." Seryosong sambit nya.

"Ako din naman.." Panimula ko. "Ilang ulit kong gustong hanapin ka, gustong gusto kitang makita ulit riri. Pero ewan ko ba, tuwing sumusubok akong hanapin ka, pinipigilan ako nang utak ko. Natatakot akong malaman na galit ka din sakin.. Galit ka sakin dahil sa pag iwan ko sayo nang wala manlang sinasabihing dahilan.." Nakayukong sabi ko. Tama naman e, natatakot akong malaman na pag nagpakita ako sa kanya, iwan nya din ako.

"You know I can't do that. I can't be mad at you." Simpleng sambit nya.

"Pero iniwan kita. Iniwan kita nang walang iniwan na dahilan.."

"Bakit nga ba leigh? Bakit mo nga ba ako iniwan dati?"

"Dahil natatakot ako.."

"Natatakot saan?" Nakakunot noong sabi nya.

"Natatakot ako na pagnalaman mong ampon ako, iwan mo din ako. Magalit ka din sakin katulad nang ginawa nung iba.."

"Damn that fear! Diba? I told you that, iwan ka na nang lahat, basta ako? Hinding hindi kita iiwan. Lagi kitang iintindihin katulad nung mga bata tayo.."

"Yeah.." Pinunasan ako ang luha na unti unti nang tumutulo.

"Tsaka, bat kaba natatakot? Face your fears! Walang mangyayare kung tatakasan mo lang yan leigh for pete's sake! Kung gusto mong matapos ang problema mo, then face it!"

******

Mataman akong nakatitig sa kisame nang kwarto ko. Paulit ulit ko naririnig ang mga salitang binitawan ni riri kanina.

"Tsaka, bat kaba natatakot? Face your fears! Walang mangyayare kung tatakasan mo lang yan leigh for pete's sake! Kung gusto mong matapos ang problema mo, then face it!"

Bakit nga ba? Bakit ko nga ba tinatakasan ang problema ko? Takot? Bakit nga ba anduwag duwag ko sa mga problema ko pero sa mga taong nakakasalamuha ko, daig ko pa ang tigre?

Matapang ba talaga ko? O duwag dahil simpleng problema lang tinatakasan ko na?

Ilang ulit kong iniisip yan, dapat ko na bang harapin ang mga problema ko? Dapat ko na bang harapin ang matagal ko nang kinatatakutan?

"Tsaka, bat kaba natatakot? Face your fears! Walang mangyayare kung tatakasan mo lang yan leigh for pete's sake! Kung gusto mong matapos ang problema mo, then face it!"

Mahal ko sila. Silang lahat, so bakit ako natatakot? Dahil ayoko na ulit masaktan? Pamilya ko sila, kaya kahit anong mangyare, family comes first before anything else. Pumikit ako nang matagal. Matagal na matagal, habang nakapikit, may mga imaheng nalalaro sa isip ko, imahe namin nang kuya ko, at nang lolo ko. Naramdaman kong may isang luhang pumatak galing sa mata ko. Ito na ba? Ito na ba ang sign para balikan ko ang mga naiwan ko?

Isang minutong nakapikit bago ako nagmulat nang mata, nagpakawala ako nang buntong hininga bago umayos sa kama ko.

Ngayon alam ko na ang sagot sa problema ko.

Unti unti kong binangon ang katawan ko, at humarap sa salamin. Eto na ba?

Inisip ko. Inisip ko lahat nang kinatatakutan ko. Ang masaktan ako? At ang iwan ulit ako. Huminga ako nang malalim at naghanap na nang isusuot ko. Tama, dahil gagawin ko na ang dapat ay matagal ko nang ginawa. Ang kausapin ulit sila.

Mga ilang minuto ang lumipas ay nagpasya nakong umalis. Lulan nang kotse ko ay tinahak ko na ang daan papunta sa mansion nila.

Pagdating ko ay napatingin agad ako sa mansion, sa dalawang taon kong tumira sa mansion na to, napaka daming nagbago sakin. Dati? Dati gustong gusto kong makasama sa with honors lagi sa school namin para sa mga tunay kong pamilya. I want them to feel proud. I want them to be proud.

I've always try my best para makasama ako sa honors. At di naman ako nagkamali, riri is always on my side. Hirap man kami noon para sa pagaaral ko, pero si riri? Lagi nya kong minomotivate. Lagi nyang pinapaalala sakin na, kailangan kong maging matalino para sa future ko. At lalo na sa pamilya ko.

At sa pangalawang pagkakataon, tumingin ulit ako sa mansion bago nagpakawala nang isang malalim na buntong hininga. This is it. Wala nang back out back out.

Nagsimula nakong maglakad papalapit sa gate, sinilip ko ang loob nang mansion, mukhang may tao.

Dali dali nakong naglakad at nag doorbell. Di din nang tagal, bumukas na ang pinto.

"Its good to be back, again." Bulong ko sa sarili ko.

Pagbukas nang pinto, isang reaksyon lang ang makikita sa mga mukha nung guard. Gulat? Yes. Nakakagulat naman talaga diba?

Nang makapasok ako sa loob ay ganon pa din, gulat na gulat ang reaksyon nilang lahat. Di ko naisip na makakapasok ulit ako dito. Di din sumagi sa isipan ko na makakausap ko ulit ang lolo ko, na galit sakin. Kaya ko ba syang kausapin? Kaya ko bang humarap sa kanya? Sa kanila?

At lahat nang katanungan ko ay nasagot agad, dahil kitang kita ko ang gulat sa mga mata nang totoo kong magulang nang makita nila ulit ako. Ganon ba talaga nakakagulat?

Walang namutawing salita samin lahat, pawang mga nakatitig lang kami sa mata nang isa't isa. Waring nag uusap gamit ang mga mata nang biglang natigil ito dahil sa may nagsalita. Boses na matagal ko nang gustong marinig ulit..

"Sinong naririya---" Di na natapos ni lolo ang sasabihin nang makita ako. Gulat din  ang namutawi sa mukha nya pero agad din itong nawala. Biglang kumabog sa kaba ang dibdib ko nang titigan ako sa mata ni lolo. Malamig na malamig pa ang tingin nya sakin. "What brought you here?" Malamig na tanong nya. Gash. What should I do? Parang lahat nang tapang ko kanina biglang nawala. Biglang naglaho. Pero wala nang atrasan to.

Agad akong umayos nang tayo at napayuko nalang, "H-Hwejangnim.." Di maitatago ang panginginig sa boses ko.

"In my office." Malamig na malamig na sabi nya sabay talikod sakin. Hindi ako agad nakakilos, kaya bigla akong napahawak sa mukha ko at bumuntong hininga bago sumunod sa kanya.


****


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon